Chapter 68 - I missed you

172 5 0
                                    

Chapter 68 - I missed you

[Pauline's POV]

"Welcome back Pauline!"

"Hi auntie!"

"Welcome back, young mistress." Sabay-sabay nilang sabi.

"Okay ka na ba? Ano nang nararamdaman mo?"

"Kumikirot pa din po yung sugat ko eh."

"Oh tara. Pakidala na yung mga gamit ni Pauline sa kwarto niya."

"Opo." Sabi nung bodyguard at dinala na niya yung mga gamit ko.

"Pinalinis ko na din yung kwarto mo. Oh ano? Kaya mo na ba?"

"Hm. Sa tingin ko naman kaya ko na po."

"May pasok ka ng 1:00PM ngayon. Aattend ka ba?"

"Hm. Gusto ko pong isurprise sina Donna at Cheska. Hindi ko po kais sinabi sa kanila na uuwi ako."

"Kaya mo ba?"

"Hm. Last subject na namin yun pero papasukan ko. Hanggang 3PM lang po kami. Magpapasundo na lang ako kay Mang Fred."

"Ayaw mo bang magpahinga muna? Hindi ka ba napagod sa biyahe?"

"Saglit lang naman po yung biyahe eh. Saka maaga pa po makakapagpahinga pa ko bago ako pumasok mamaya."

"Pano si Devin? Pano kung magkita kayo?"

 Hindi ako nakasagot.

"Hm?"

"Iiwasan ko po muna siya auntie. Kasi kahit naman bumalik na ko, hindi ko alam kung napatawad ko na ba talaga siya eh."

"Hm. Sigurado kang.. okay ka lang?"

"Opo."

"Sige. Ipapatawag ko si Nurse Kim para gamutin yang sugat mo mamayang gabi."

"Hm. Sige auntie. Magpapahinga muna ko ah?"

"Oh sige. magpapahanda ako ng masarap na tanghalian."

"Hm." I smiled tapos pumunta na ko sa kwarto ko.

Inayos ko muna yung mga gamit ko. Nung may ilalagay ako sa cabinet, nakita ko dun yung picture frame, mini teddy bear at smiley.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon