Chapter 34 - Take time to realize

347 8 0
                                    

Chapter 34 - Take time to realize

[Pauline's POV]

Pumunta kami sa plaza. Pero dito sa part kung saan puro puno na may Christmas lights at mga couples na nagdedate yung makikita mo.

Nakaupo kaming dalawa sa trunk ng sasakyan niya sa likod na nakabukas. Umiinom kami ng soju at kumakain ng chips na binili namin kanina sa convenient store.

"Sorry."

"Bakit ba sorry ka ng sorry diyan?"

"Kasi.. ako yung pumilit sayo na kausapin mo siya. Kaya.. nakita mo tuloy--"

"Wala siyang kwenta. Sa tingin ba niya mapapatawad ko pa siya?"

"Wag kang mag-alala. Hindi na ulit kita pipilitin sa bagay na yan."

"Dapat lang."

Naglabas siya ng sigarilyo pero pinigilan ko siya.

"Tigilan mo na nga yan! Okay lang yung mag-inom wag lang yung manigarilyo."

"Psh."

"Quit smoking."

"What?"

"Narinig mo naman yung sinabi ko eh. What ka pa diyan. Kapag nakita pa ulit kita na naninigarilyo, hindi na ulit kita kakausapin kahit kailan."

"Ano?"

"Seryoso ako dun sa sinabi ko. Eh kung okay lang naman sayo na hindi na kita pansinin eh di go."

"Aish."

Maya-maya nakita kong itinapon niya sa malayo yung pack ng cigarette niya.

"Masaya ka na?"

I smiled. Mabuti naman. Ayoko nang naninigarilyo siya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Kapag ba sinabi kong okay ako maniniwala ka?"

"Huh?"

"Pinapamukha ba talaga niya sakin na.. ganung klase siyang tao? Nakakainis. Ayoko na talagang makita pa siya ulit kahit kelan."

"Kalimutan mo na lang muna yun ngayon. Kaya nga tayo pumunta dito ngayon diba?"

"Hm. Buti na lang talaga sinama kita."

"Hindi mo ba ko sisisihin sa nangyari?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon