Chapter 19 - Operation: Clean up

399 10 1
                                    

Hello guys! Join kayo sa FB group: SooRinn's Wattpad Stories (www.facebook.com/groups/MHBMH) for more updates. Add niyo din ako nandun naman sa group yung FB account ko: SooRinn Wattpad. Thank you! :)

__________________________________________________

Chapter 19 - Operation: Clean up

[Pauline's POV]

"Woah. Last night was really fun!" -Donna

"Uy ang lagkit ng tingin niyo sa isa't-isa! Nakita ko yun!" -Cheska

"Kayo lang naman tong nagbibigay ng malisya eh!"

"Weeh? Eh gusto mo naman? Hahaha!!" -Donna

"Gusto mo bang balatan kita ng buhay?"

"Ito naman! Napakasungit talaga. Mas bagay kayong magsama ni Devin." -Donna

"Ano?!"

"Hoy! Bakit ba ganyan yang mood mo ngayon?" -Cheska

"Hindi ko alam. Hindi pa ba kayo sanay na lagi akong sumisigaw?"

"SANAY NA SANAY." Sabay pa nilang sabi. -__-

"Saan nga pala yung punta mo after class?" -Donna

"Uuwi. Saan pa ba ko pupunta?"

Pero ang totoo, magbibihis lang ako at dadalaw ako sa bahay ng black rose. Niyayaya kasi nila kong magmeryenda.

Saktong pagkabell, pumasok na si Ms. Reyes.

"Okay class, I know that you are all aware na malapit na ang University fest and since last year niyo na 'to dito sa GU, you should enjoy this fest. Ang nabunot na booth na gagawin niyo, ay maid cafe! Some will dress as maids and will serve. Parang yung mga napapanood niyo sa anime."

Woah. Mukhang cool.

"Ma'am! That looks interesting!" Sabi nung class president.

"Yeah it is. Syempre bukod sa enjoyment, dapat isipin niyo din yung kikitain niyo. Ang festival na to ay isa sa mga requirements sa mga fourth year students para mapirmahan lahat ng kailangan nilang papirmahan. So.. I expect na magpeprepare kayo ng todo para sa fest ngayong taon."

Kaya naman after ng klase namin kay Ms. Reyes, ayun na yung usapan sa buong klase. Pinagmeetingan na din kung ano-ano ang roles at mga costumes. Bahala na daw dun yung isa naming classmate dahil may-ari sila ng isang clothline.

"Mukhang exciting! Alam niyo ba matagal ko nang pinangarap na ayun yung mapuntang booth satin?!" -Cheska

"Hindi lang naman ikaw no! Mukhang enjoy kasi yung booth na yun!" -Donna

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon