Chapter 50 - The black petals VS the bad guys

290 7 0
                                    

Chapter 50 - The black petals VS the bad guys

[Devin's POV]

Since the day she said yes, parang nagbago yung takbo ng mundo ko.

Hindi ko kasi inakala na, tatanggapin niya yung nararamdaman ko.

Masaya ko. Masaya ko na, parehas pala kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.

Hay pero natutuwa pa din talaga ako na inisin siya. >:))

Pinakilala ko na siya kay Mama. Ang sabi niya, pagkauwi ng parents niya galing sa Davao, ipapakilala na din niya ko. Siya na daw ang bahala dun at hindi ko na kailangang mag-alala.

Panong hindi ako mag-aalala, eh mahigpit ang pamilya niya. Sa mga kwento pa lang niya, mukhang talagang mahigpit sila.

Si Pauline, kahit na naging kami. wala pa ding pinagbago. Lagi pa din siyang nakasigaw. Pero maalaga at maalalahanin. Nakakatuwa talaga siya.

Alam kong dahil sa pinasok ko, magiging kumplikado lahat. Ang dapat nga iwasan ko na lang siya dahil sa nangyari one year ago.

Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman kayang pigilan kung ano yung nararamadamn ko eh! Bahala na.

Hindi niya dapat malaman sa ngayon. Sasabihin ko din naman sa kaniya. Pero wag muna ngayon.

She even tried to bake a cake for me dahil lang sinabi ko na masarap magbake ng cake si Criselle.

Baliw. Hindi ko naman sinabing gawin niya din yun. Rotten head talaga.

"Oh saan galing yang cake?" Sabi ni Gary pagkarating ko sa locker room.

"Kay Pauline."

"Binigyan ka ni Lady boss ng cake?" -Sef

"Oo bakit? Siya daw mismo yung nagbake nito."

"Patikim! Patikim!" -Jec

"Ayoko nga! Sakin lang to! Lagot kayo akin kapag ginalaw niyo yan!"

Nanalo kami sa game. Kaya ibig sabihin no'n, the bad guys ang sunod naming makakalaban. 

Tss. Hindi nila kami kaya.

Kinabukasan.

Mamayang hapon na yung game. Wala pa man, nagkakainitan na.

Kanina daw, nakasagutan ni Gian yung isa sa kanila dahil sa pakikipagyabangan.

Pasalamat siya wala ako dun kung hindi nasapak ko na siya.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon