Chapter 65 - Should I go back?

209 5 0
                                    

Chapter 65 - Should I go back?

[Pauline's POV]

Sabay-sabay kaming nag-aalmusal ngayon.

"Umiyak ka ba?" -Clarence

"Huh?"

"Namamaga yung mata mo."

"Uhh. Hindi no! Natural lang yan kasi kakagising ko lang."

"Weh? Eh sa itsura mo mukha kang umiyak buong magdamag."

"Clarence!"

"What? Sabi ko na eh. Kapag mag-isa ka, iiyak ka."

"Wag ka ngang maingay. Baka marinig nila."

"Pauline, sa farm ko naman kayo dadalhin ngayon." -Uncle

"Sige po. Gusto ko na din pong makapunta dun."

"Okay lang ba sa auntie Sabelle mo at sa parents mo na magtagal ka dito? Pano ang schooling mo?" -Auntie Gemma

"Sa tingin ko po okay lang naman."

Pagkatapos nga naming kumain, dinala na nila kami sa farm. Sobrang laki ng lupang sakop. May taniman ng mangga, saging, mais, palayan at kung ano-ano pa.

"Ayaw mo pa bang bumalik ng Manila? Alam kong namimiss mo na siya." Sabi ni Clarence habang naglalakad-lakad kami.

"Ilang ulit mo bang tatanungin yan ha? Hindi pa. Ayoko pa. Hindi pa ko handang harapin siya ulit. Saka.. hindi pa ko okay."

"Aalis na kasi ako bukas. Babalik na ko ng Manila."

"Agad?"

"Bakit? Ayaw mo bang umalis ako? Kung gusto mo sasamahan kita dito hanggang sa bumalik ka."

"Hindi sige. Ayos lang naman. Ayoko namang makaistorbo sayo. Saka baka matagalan pa ko dito."

"Nagbago na yung siip ko. Sasamahan na lang kita dito hanggang sa bumalik ka."

O__O

"Ano?!"

"Oo." Sabay ngiti.

"Ganun lang kabilis nagbago yung isip mo?"

"Hm. Mabilis akong magdesisyon. Okay lang ba sayo?"

"Oo naman pero.. kung hindi nakakaabala sayo.."

"Hindi no. Hindi ayos lang."

"Sigurado ka ba? Pano kung.. tumagal ako dito ng isang buwan?"

"Psh imposible. Hindi ka aattend ng graduation niyo?"

"Pano kung.. maisipan ko ngang hindi umattend?"

"Baliw ka ba? Lagot ka sa parents mo no."

"Alam ko naman yun no. Kaya nga dapat, makarecover ako agad sa mga nangyari para makabalik ako bago mag-graduation."

"Aminin mo nga sakin, umiyak ka kagabi no?"

"Hm. Tinawagan niya ko."

"Ano? Sinagot mo?"

"Oo. Pinakinggan ko lang siya pero hindi ako nagsalita. Mali nga eh. Dahil dun lalo ko lang siyang namiss. Kaya ayun, umiyak nanaman ako. Kapag wala akong kausap, kapag wala kong kasama, nalulungkot ako."

"Oh kita mo na? Kaya sa tingin ko dapat lang na samahan kita. Madedepress ka lang kapag wala kang kasama."

"Okay lang ba 'yon sayo?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon