Chapter 95 - Be the one for me

213 3 0
                                    

FINAL CHAPTER

Chapter 95 - Be the one for me

[Pauline's POV]

"It's not true. Hindi niya 'to kayang gawin sakin. Alam kong hihintayin niya ko! Hindi totoo yan!"

"Hindi pa ba sapat ang mga pictures na yan para tumigil ka na na umasang hinihintay ka nga niya? Kinalimutan ka na niya. Kaya Pauline please. Just--"

"NO! NO! Hindi kayang gawin sakin ni Devin 'to!!"

Devin... please. Sabihin mo sakin na hindi totoo 'to. T__T

"Wag ka nang magbulag-bulagan. Mas mabuti kung kalimutan mo na lang din siya. Hindi kayo para sa isa't-isa. At kahit kelan hindi kayo magiging bagay para sa isa't-isa. Ikakasal ka na. Forget about him and live a new life. There's no reason for you to come back."

Napatingin ako sa picture at naiyak. Natuluan na ng luha ko yung picture. Hindi. Hindi ako naniniwala. Hindi niya to magagawa sakin. :(

"Devin.."

"I'm sorry Pauline. Kung iniisip mo na pinlano namin yan. you're wrong. Pinasundan namin siya at nagulat din kami. Kita mo na? He's not good for you." -Mom

**

Nakaupo ako sa kama habang nakatanaw sa bintana. Nakatulala at wala sa sarili habang umiiyak.

Hindi eh. Hindi niya magagawa yun. Alam kong.. mahal niya ko at hihintayin niya ko. Naniniwala ako dun. Nagtitiwala ako sa pangakong iniwan namin sa isa't-isa.

Anong malay ko? Baka naman.. lasing lang siya nung gabing yun? Baka.. hindi niya din naman alam kung anong ginagawa niya?

Aish. Kailangan ko na talagang bumalik ng Pilipinas. Kailangan ko na siyang makita. Kailangan kong malaman kung ano talagang nangyari.

"Hindi ako basta maniniwala. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naririnig mula sa kaniya na hindi na niya ko mahal." :(

Hindi ganun si Devin. Kilala ko siya. Alam kong hindi niya yun magagawa. Lumipas ang buong araw nang wala akong ibang inisip kundi ang bagay na yun.

"Okay ka lang ba?" -Auntie

"Alam niyong hindi auntie. Yung mga pictures na yun... hindi ako makapaniwala. Pero hindi ko naman talaga alam kung ano nang nangyayari. Kaya kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko. Paano kung.. talaga ngang kinalimutan na niya ko? Kung.. nagalit siya sakin nung iniwan ko siya kaya niya nagawa yun? Pero auntie.. hindi siya ganun eh. Kilala ko si Devin. Hindi siya ganung klase ng lalaki." :(

"Alam ko. Kaya kailangan mas lakasan mo ang tiwala mo sa kaniya. Maniwala ka sa kaniya. Mahal ka ni Devin. Alam kong hindi niya yun gagawin sayo."

"Pero hindi ko po maiwasang maisip na.. paano kung bumalik ako? Tapos.. wala na pala kong.. babalikan? Paano kung.. ako na lang pala yung lumalaban?"

"Ssh. Wag mong isipin yan dahil lang sa pictures na yun. Siguro malungkot lang siya at miss na miss ka niya."

"Pero mali pa din yun. Mali na sumama siya sa iba. Kaya lang.. hindi naman na kami diba? Kaya may karapatan na din siyang.. sumama sa ibang babae..." :(

"Pauline.."

"Wala na kong balita tungkol sa kaniya. Wala na din siyang balita sa kung anong nangyayari sakin. Pano kung akala niya nagpakasal na ko kay Clarence? Pano kung akala niya.. kinalimutan ko na yung pangako ko?"

"Pauline kung talagang mahal niyo ang isa't-isa, magtitiwala pa din kayo sa isa't-isa kahit na magkalayo kayong dalawa. Wag kang mawalan ng pag-asa."

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon