Chapter 33 - If you just realize what I just realized

447 8 0
                                    

Chapter 33 - If you just realize what I just realized

[Pauline's POV]

Sa wakas, naamin ko din sa mga kaibigan ko. Mas magaan pala sa pakiramdam yung naikukwento ko na sa kanila ngayon.

"Eh ano nang gagawin mo?" -Donna

"Ewan ko. Pano kung nagkabalikan nga sila?"

"Tanungin mo na!" -Cheska

"Ayoko nga! Nakakahiya no! Saka baka kung ano pang isipin nun."

"Eh di kami magtatanong!" -Donna

"Baliw eh di lalong naghinala yun. Tama na wag na nating pag-usapan to."

 Nakinig na kami sa klase.

After class, nakita namin ang black rose na nakatambay sa isang gilid.

"Lady boss! Magaling ka na ba?" -Max

"Hm. Okay na ko."

"Eh di.. sumama na kayong tatlo samin mamaya sa ice cream parlor!" -Gary

"Ha?"

"Oo sige sasama kami! Hintayin niyo na lang kami dun okay?" -Donna

"Sige!" -Rod

"Hoy ano ba?"

"Oh bakit? Niyayaya lang naman nila tayong kumain dun ah." -Cheska

"Oo sumama na tayo!" -Donna

"Hay. Oo sige pupunta lang ako sa locker ko."

Hindi pa man ako nakakalapit sa locker ko..

"Pauline!"

O__O

Ito nanaman si Criselle. Ano nanaman bang kailangan niya ha?

"Oh. Hi. Hehe."

"Kamusta na?"

"Kakagaling ko lang sa sakit. Pero okay na ko ngayon."

"Really? Oh buti naman!"

Itatanong ko na ba sa kaniya?

"Ah.. tungkol nga pala dun sa.."

"C'mon. May ikukwento ko." Naku ito na.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon