Chapter 14 - This is weird

383 11 0
                                    

Hello! Sorry kung medyo maiksi yung UD ngayon. Thank you for reading! Sana yung reads nito someday, magaya sa MHBMH2 na 71K na ngayon! Weee. Thank you! :)))

______________________________________

Chapter 14 - This is weird

[Pauline's POV]

Tumingin ako sa kaniya at nakangiti pa din siya. Nakupo. Nakupo. Ang gwapo! Napatingin din siya sakin.

"So, okay na ulit tayo? Nagawa ko na yung dare. :)"

O///O

Nakakatunaaaaaw~

I don't even know kung bakit niya ginagawa to. Bakit naman siya nag-aaksaya ng oras niya at ginawa pa niya yung mga yun para lang magkabati kami?

Ang weird niya talaga.

Naglalakad lang kami at hindi ako makapagreact. Yung mga babae dito, tingin na ng tingin samin. Haynakunaman.

"Oh anong nangyari sayo? Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Ah.. ah.."

Sht. Ano bang nangyayari sakin? Waaaah!!

Tinignan ko yung smiley at may nakasulat na 'From: DEVIN' sa baba.

Psh.

Dapat sa mga oras na to tinutulak ko na siya palayo sakin at sumisigaw na dahil sa inis. Pero bakit hindi ako makapagsalita?

"Oh ano?"

"Ha? Ah.. N-nasan yung ice cream?"

"What? Hahaha. Nakapila na ko dun para bumili pero nakita ko na mukhang inaaway ka nung mga yun kaya naman pinuntahan kita."

"Sa tingin mo ba hindi ko sila kaya?"

"Alam ko namang kaya mo yun no. Pero, mas madali kasi silang paalisin kapag ako yung nagsalita. Isa pa, para tumigil na sila."

"Psh. Salamat."

"Hindi ka ba nila sinaktan?"

"Ah. H-hindi. Bago pa nila ko masaktan, mauunahan ko na sila."

"Balak mo na silang sabunutan kanina no?"

"Naku, hindi lang yun ang aabutin nila sakin no."

"Gusto mo bang maging 11th member ng black rose?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon