Chapter 81 - What happened, Devin?

166 6 0
                                    

Chapter 81 - What happened, Devin?

[Pauline's POV]

Hanggang ngayon parang lumulutang pa din ako sa happiness.

Hay.

"Ms. Pauline, nandito na po si sir Devin para sunduin kayo." -Jessa

"Sige bababa na din ako. Salamat."

Kinuha ko na yung bag ko at bumaba sa living room.

"De--vin. Ohmygod! Bakit may mga sugat ka nanaman?! Nakipag-away ka nanaman ba ha?!"

Dali-dali akong lumapit sa kaniya para i-check yung sugat niya.

"Wala yan. Ayos lang."

"Ano bang nanyari? Yung mga yun nanaman ba?"

"Hm. Wala yan. Wag ka nang mag-alala."

"Sigurado ka?"

"Ako pa ba? Tara na." Hinawakan niya ko sa kamay at naglakad na kami palabas.

Sa GU.

"Bakit naman hindi mo sinabi sakin?"

"Pagagalitan mo lang din naman ako. Saka mag-aalala ka lang."

"Aish. Ikaw talaga. Ginamot mo na ba yan?"

"Hm."

"Pumasok ka na."

"Sige. Magkita na lang tayo mamayang break time."

"Hm."

I smiled pero he did not smile back at umalis na.

Bakit ganun? Parang may iba sa kaniya ngayong araw. Napakaseryoso niya. May problema nanaman ba siya?

Hindi pa man ako nakakaupo, tumawag yung bodyguard na inutusan ko.

"Oh bakit? Ano nangyari?"

"Success young mistress. Mukhang natakot talaga siya sa nangyari kahapon. Umiiyak pa nga eh."

"Ano bang ginawa niyo?"

"Kinidnap namin siya para takutin."

"Sinabi niyo ba na.. ako yung nag-utos?"

"Hindi po. Pero mukha namang nahuhulaan niya."

"May sinabi pa ba siyang iba?"

"Wala naman young mistress."

"Sige salamat."

Binaba ko na.

"Hi Pauline!" Bati nila sakin.

"Hi!"

"Mukhang ang saya-saya mo ngayon ah!" -Donna

"Ang blooming!" -Cheska

Ngumiti lang ako.

"Oh eh ano bang meron?" -Donna

"Wala! Ay oo nga pala, nagawa na nila yung inuutos ko na takutin si Sasha."

"Talaga? Oh anong nangyari?" -Cheska

"Mukha namang natakot siya. Hindi ko pa siya nakikita ngayon eh."

"Sana naman tumigil na siya. Wala din naman siyang mapapala diyan sa ginagawa niya eh." -Donna

Vacant, ayan na nga. Nakasalubong na namin si Sasha. Nakatingin siya sakin hanggang sa magkalapit kami.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon