Chapter 28 - Ghost fighter

374 9 3
                                    

Chapter 28 - Ghost fighter

[Pauline's POV]

Para akong timang na kinakausap yung mga alon nang biglang..

"Sinong kausap mo diyan? Rotten head."

Hindi pa man ako lumilingon, kilala ko na kung sino to. Psh. Sino pa ba. -__-

Umupo siya sa tabi ko.

"Nababaliw ka na."

"Oo. Tama. Nababaliw na nga siguro ako."

"Ano bang nangyayari sayo? Sinapian ka ba?"

Lumingon ako sa kaniya at.. O__O

"HOY ANO KA BA BITAWAN MO NGA YAN!"

"Hoy!--"

Kinuha ko yung hawak niyang sigarilyo at itinapon.

"Wag ka ngang manigarilyo sa tabi ko!"

"Ano nanaman bang problema?!"

"Masama sa health ang manigarilyo alam mo ba yon?!"

"Syempre! Hindi ako tanga."

"Tigilan mo na nga yan!"

"Ang alin ba?!"

"Anong alin?! Wag ka nang manigarilyo!"

"Tumahimik ka na nga diyan."

Aish. Nakakainis talaga siya.

"Hay. Ang sarap dito." Iniba ko na yung topic.

"Bakit parang kakaiba ka ngayon?"

"Huh?"

"Ang tahimik mo."

"Naghahanap ako ng sagot."

"Sagot?"

"Aish wala! Kalimutan mo na."

"Ano bang ginagawa mo dito mag-isa?"

"Nagpapahangin lang. Ang sarap kaya tumambay dito."

"May iniisip ka ba kaya ka nandito?"

"Huh? Wala ah! Masarap lang talagang magpahangin dito sa tabing dagat. Ikaw? Bakit ba nandito ka?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon