Chapter 71 - Black rose's newest rival

228 4 0
                                    

Chapter 71 - Black rose's newest rival

[Pauline's POV]

Kumakain na kami ngayon at nagkukwentuhan. Dumating na din sina Cheska at Donna.

Kasama ni Donna si Rod. Si Cheska naman kasama si Wade. Tapos ako, kausap ko dito si Devin habang yung iba nagkukulitan do'n sa tabi ng pool.

Nakaupo kami sa bench.

"Saan kayo pumunta kanina?" Tanong ko.

"Pumunta muna ko kay Mama."

"Ah. Binisita mo pala siya. Mag-isa ka lang?"

"Hm. Kaya lang.. dumating si Papa."

"Si tito Rudy?!"

"Oo."

"Nagkausap ba kayo?"

"Binati niya lang ako. Kinamusta. Hindi naman masaydong mahaba yung pinag-usapan namin."

"Hindi ka pa din ba makikipag-ayos sa kaniya?"

"Nakita mo naman diba? Binigyan ko siya ng chance pero anong nangyari? Wala pa din siyang pinagbago. Hanggang ngayon, babaero pa din siya. Hindi na siya natuto."

"Naiintindihan kita. Pero sana dumating din yung araw na matuto kang magpatawad. Tignan mo ko, malaki din naman yung naging kasalanan niyo sakin ah? Pero pinatawad ko kayo."

"Hindi ako kagaya mo."

"Tama. Mataas kasi yung pride mo. Oh tama na wag na nating pag-usapan to. Baka mag-away lang tayo."

Natawa lang siya.

"Masaya ka ba?"

"Ano? Tinatanong mo ba talaga yan ha? Syempre naman masaya ko. Honestly even if you didn't do this, okay lang sakin basta kasama kita."

"Alam mo, gusto ko kasing maging special yung araw na to. Kasi, first birthday mo to na magkasama tayong dalawa. Kaya gusto ko na maging memorable."

"Kapag kasama kita, araw-araw naman special. Araw-araw memorable."

Tinignan niya ko at ngumiti. Naku kung talagang nakakatunaw ang ngiti natunaw na ko kanina pa!

Ngumiti na din ako.

Hay. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Kuntento na ko sa kung ano man yung meron ako. Ang totoo nga niyan parang sobra pa eh.

Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko si Devin. At kahit na nalaman ko yung tungkol sa nakaraan, minahal ko pa din siya, pinili ko pa din siya.

Pangako, talagang ipaglalaban ko 'to kahit na anong mangyari. Kahit na si Lolo pa mismo ang makalaban ko, gagawin ko.

"Oh anong iniisip mo diyan?" Sabi niya.

I shook my head tapos ngumiti.

"Guys! Dito kayo dali!"

Niyaya na kami nung iba kaya nagsama-sama at nag-jamming na kami habang nakaupo sa gilid ng pool.

Si Lem yung nag-gigitara tapos kumakanta naman kami.

Pagkatapos nagtawanan at nagkulitan. Kumain din saka nag-inuman. Grabe sobrang saya talaga!

9PM na.

"Hoy rotten head."

"Oh?"

"Wag mo na ulit akong iiwan. Naiintindihan mo?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon