Chapter 94 - Is there anything else that I can do?

139 3 1
                                    

Chapter 94 - Is there anything else that I can do?

[Gian's POV]

**

"Donna."

"Yes?"

"Alam mo ba kung saan sa America nagpunta si Pauline?"

"Ah.. sa pagkakatanda ko, naikwento niya samin dati na yung Lolo at Lola niya is nagi-stay sa San Francisco. So.. baka doon sila nagpunta. Bakit?"

"Wala."

**

Nung nalaman ko kung nasaan siya, nagpabook agad ako. Yung pinakamalapit na flight na yung kinuha ko kaya mas mahal yung presyo pero okay lang.

Pagkarating ko ng SFO, syempre hindi ko naman siya agad nakita. Sinubukan ko siyang hanapin agad pero mahirap dahil wala naman na kong ibang alam na infos.

Hanggang sa nagkataon nga na nakita ko siya sa park.

Sinabi ko na nagbakasyon kami kahit ako lang naman talaga mag-isa. Ayokong malaman niya na sumunod ako dito para lang makita siya at malaman kung okay siya.

Kaya lang, saglit lang kaming nagkausap dahil kailangan na din niyang umuwi agad.

Sa tingin ko, hindi talaga siya okay dahil ang peke ng mga ngiti niya.

Hindi ako naniniwala sa ngiti niyang yun.

Paano ko ba siya matutulungan? Pano ko siya mapapasaya? Paano ko siya mapapalaya sa higpit ng pamilya niya? Hay. Hindi ko na din alam.

[Pauline's POV]

"Ano bang.. ibig mong sabihin?"

"I like you."

O___O

"What?!" Ugh.

"But what can I do? May mahal ka nang iba at kahit na anong gawin ko, you can never like me back. So I've decided to pretend as a friend and look after you kahit na hindi mo alam."

"Clarence.."

Seryoso ba siya? Ugh. Hindi ako... makapaniwala sa mga naririnig ko.

"I tried my best not to fall pero.. napalapit pa ko sayo. Kaya nga lang, nahuli ako ng dating dahil may mahal ka nang iba. And I saw how much you love him."

"Ugh. I'm sorry. Hindi ko alam na--"

"No. Wag kang magsorry. Actually ako dapat yung magsorry dahil nagsikreto ako sayo."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya ngayon. Nakakagulat yung biglaang confession niya!

"That's why.. I'm really fine with the wedding. Wala akong kahit na kaunting pagkontra because kapag kinasal tayo, umaasa ko na baka sakali, matutunan mo din akong mahalin. But of course, I don't want to be selfish."

"Ugh. Ibig sabihin, nung sinabi mo sa kanila na may ibang babae kang gusto, ginawa mo yun para sakin? Para lang.. hindi nila ko ipagkasundo?"

"Ugh. You got it. Yeah. Dahil alam ko na hindi ka magiging masaya dun. And now, I want to tell you that I like you. I like you so much Pauline."

Ohmygod. Si Clarence...

"Ang akala ko, kaya kong itago na lang yung nararamdaman ko para sayo. Pero mahirap pala. Kaya lang kahit naman sinabi ko 'to sayo wala namang magbabago eh. Si Devin pa din yung mahal mo at hindi ka pa din papayag na matuloy yung kasal. Ayoko namang.. dumagdag pa sa mga kontrabida sa buhay mo."

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon