EPILOGUE

255 12 0
                                    

MALING AKALA

EPILOGUE

Bakit ko nga ba nasabing MALING AKALA?

Maraming points sa kwento na 'to kung saan masasabi kong isa ngang maling akala.

Una na do'n ang pag-aakalang matinong tao si Kris at hindi niya ko lolokohin. Pero anong nangyari? Pinagpalit niya ko at hindi lang yun, leader pa pala siya ng Les Mechant na itinago niya sakin ng dalawang taon.

Sunod, akala ko masamang tao talaga si Devin at ang black rose. Pero naging magkakaibigan pa kami. Minahal ko pa nga si Devin kahit na ano pa siya eh.

Tapos bago pa ko makabalik, ang akala ko kaibigan at mapagkakatiwalaan si Clarence pero niloko niya ko. May iba pala siyang plano.

Nag-umpisa talaga ang istoryang 'to.. sa maling akala.

Sa kabila ng mga humusga at humadlang, napatunayan ko sa sarili ko na talaga ngang may isang tao na nakalaan para sakin.

Kahit na maraming humadlang, nanatili kaming matatag dahil may tiwala kami sa isa't-isa.

Alam kong marami pa kaming pagdadaanan, pero alam ko rin na wala talagang makakatibag sa samahan naming dalawa! Huh!

Sa kabila ng lahat, nagawa pa din naming magtagpo sa huli, at maging masaya.

Ginawa ko lahat ng kaya ko para ipaglaban siya at patunayan sa kanila na talagang mahal ko siya.

Kahit na lagi niya kong iniinis, kinukunsumi, at inaasar, masaya pa din talaga ko na magkasama kaming dalawa.

Lagi pa din niya kong tinatawag na rotten head at tinatawag ko pa din siyang Devil Devin. Naging biruan na namin yun at nasanay na din kami.

Napatunayan ko kung gaano ko talaga siya kamahal. Hindi ko talaga kayang mawala siya eh. Biruin niyo, nagawa kong banggain ang terror kong lolo para sa kaniya.

At ang nakakagulat pa dun, nanalo ako!

Nagawa kong ipaglaban ang karapatan ko at ang gusto ko.

Well, sabi ko nga, ako si Pauline. Wala akong hindi kinaya! (Bukod sa pagkalayo saming dalawa ni Devil este.. Devin)

Siguro nga nag-uumpisa pa lang kami pero may habang buhay pa para mahalin at alagaan namin ang isa't-isa.

Habang buhay kong patutunayan sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Wala pang kasiguruhan kung anong nag-aabang samin sa hinaharap. Pero isa lang ang sigurado ko.

Kung ano man yun, haharapin namin 'yon ng magkasama. :)

~~

Author's Note:

Maraming maraming salamat sa lahat ng nagbasa (at nagbabasa) ng Maling Akala!

By the way, Pauline and Devin have their FB accounts. Just search their names, kung gusto niyo silang i-add, okay? Syempre ako, meron din (SooRinn Watty) at FB group (SooRinn Wattpad Stories) sali kayo or add niyo ko as a friend kung gusto niyo ng updates for my upcoming stories.

My next story is entitled "You Are The One" but the publish date is yet to be confirmed but it's around September. Iaannounce ko siya sa FB ko and sa FB group. Basta, nandoon lahat ng announcements. (Feeler ako hahaha!)

Thank you so much! I love you all! :*

P.S.

Question: Maling Akala Book 2, Anyone? ;)

xoxo, SooRinn

UPDATE:

YOU ARE THE ONE: https://www.wattpad.com/myworks/12462036-you-are-the-one 

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon