Chapter 63 - I wish I could redo the past

231 7 1
                                    

Sorry kung medyo natagalan yung update. Finals kasi namin.  Salamat sa paghintay! Anyway, ngayon pa lang sasabihin ko na, na magiging busy ako next month. Isang buwan akong nasa Cebu para sa OJT ko kaya medyo matatagalan bawat update. Pero promise, kapag may time ako, mag-uupdate pa din ako. Salamat sa pagbasa nitong POV ko at sa pag-intindi. <3

Xoxo, SooRinn 

____________________________________________________

Chapter 63 - I wish I could redo the past

[Devin's POV]

That day.. nung nalaman kong alam na ni Sasha yung tungkol sa kidnapping incident last year, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Anong gagawin ko? Pano kung sabihin nga niya kay Pauline?

Ayokong malaman niya dahil ayokong iwan niya ko.

Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag iniwan niya ko. Baka kung anong magawa ko.

Ang akala ko, nasabi na sa kaniya ni Sasha. Mabuti na lang tnawagan ko siya kaya hindi na yun natuloy.

Pero.. nung araw na nagtatalo kami ni Kris, hindi ko alam na nandun din si Pauline at narinig niya lahat.

LAHAT.

Fck. Narinig niya na lahat! Wala na din akong nagawa.

Hindi ko na pwedeng i-deny yun dahil narinig na niya.

Galit na galit siya sakin.. Alam kong galit na galit siya sakin ngayon. Bullsht. Anong gagawin ko?!

Nung mga panahong yun, hindi pa naman kami magkakilala. Hindi ko naman alam! Ang gusto ko lang, gumanti kay Kris. Hindi ko alam na siya pala yung babaeng yun!

Bakit?! Bakit kailangang magkakilala pa kami kung ganito din naman pala yung mangayyari? Para saan to? Paraparusahan ako sa mga kasalanang nagawa ko?! Siguro nga. Ito yung kabayaran sa lahat ng kagag*hang ginawa ko.

"I'm really sorry. Hindi ko alam na--"

"Totoo? Kung gano'n.. totoo nga lahat ng 'yon?"

"Hindi ko naman alam. Hindi ko alam na ikaw yung babaeng yun. Hindi ko alam na magkakakilala ulit tayo. Hindi ko alam na--"

*Slap*

Ugh. Ito yung.. kinakatakot ko!

"Pinillt kong.. paniwalain yung sarili ko na may isang taong dadating sa buhay ko na hindi ako lolokohin. Na hindi ako sasaktan. Akala ko ikaw yun. Pero mali ako ng akala."

"Pauline.."

"WAG MO KONG HAWAKAN! LUMAYO KA SAKIN!"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon