Chapter 87 - Kris's revenge

161 4 0
                                    

We're almost there! Konti na lang! Get ready, lol. Malapit nang matapos. (Huhu!) Thank you guys!

Xoxo, SooRinn

Chapter 87 - Kris's revenge

[Pauline's POV]

Kinabukasan, dumalaw si Clarence dito sa bahay para i-congratulate ako

"Congrats Pauline!"

"Congrats din! Kahapon yung graduation niyo diba?"

"Hm."

"Ang tagal mo ding hindi nagpakita ah."

"Busy eh. Pasensya na."

"Ano nang plano mo ngayon? Aalis ba kayo?"

"Hindi ko alam. Wala pa naman silang sinasabi sakin."

"Hay grabe. Hanggang ngayon hindi pa din nagsi-sink in sakin na graduate na nga talaga ko. Mamimiss kong mag-aral."

"Matagal-tagal din tayong hindi nagkita. Namiss kita ah. Kamusta ka na?"

"Ayos naman. Masaya."

"Halata nga eh. Haha!"

"Eh ikaw?"

"Okay naman ako. Chill lang."

"Haha. Eh kamusta na kayo nung babaeng nililigawan mo? Hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakikilala."

"Okay naman. Hindi pa din niya ko sinasagot eh."

"Baka kailangan pa niya ng konting effort mula sayo."

"Tss. Siguro nga." Ngumiti siya.

"Oh kumain ka pa. May isang box pa ng pizza dun sa kusina."

"Sila Tita nga pala?"

"As usual. Nandun sila sa company at nagpapakabusy. Aalis kasi sila pupunta ng Spain."

"Aalis nanaman sila?"

"Hm. Bukas. Kaya marami nanaman silang inaasikaso. Hinintay lang nila yung graduation day ko."

"Gano naman sila katagal dun?"

"Hmm.. 2 months yata? I'm not sure."

"Mag-isa ka nanaman pala."

"Hindi ah. Kasama ko naman dito si Auntie."

"Sabagay. Sanay ka naman na. Hindi ka ba nila isasama sa Spain?"

"Hindi eh. Saka ayoko muna. Next time na lang siguro. Lagi naman silang umaalis eh."

"Bakit naman? Kung ako yun sasama ko no. Pangarap ko kayang makapunta dun."

"Gusto ko din namang makapunta dun no. Marami pa namang chances."

"Kay Devin ba galing yang kwintas na suot mo?"

"Ah ito? Hm. Graduation gift niya sakin. Ang ganda no? Nabanggit ko kasi sa kaniya na gusto ko ng mga stars kaso sabi niya hindi naman niya kayang kumuha ng stars at ibigay sakin. Kaya ito yung binigay niya."

"Hmm. Bagay nga sayo eh."

Ngumiti na lang ako.

"Oh Clarence nandito ka pala!"

"Hi Auntie!" Sabay naming sabi at tumayo saka nagbeso sa kaniya.

"Napadalaw ka yata." -Auntie

"Kinongratulate ko lang po si Pauline."

"Oh eh graduation mo kahapon diba? Congratulations din. Wala ba kayong lakad ng family mo ngayon as a celebration?"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon