Chapter 9 - This can't be

519 15 0
                                    

Pasensya na kung medyo matagal yung update. Busy kasi ako sa school works. :) Thank you sa mga bumabasa! Actually nahihirapan ako kasi ang hirap maghanap ng reads tapos wala ding nagcocomment at nagvovote kaya naman minsan nakakawalang-gana na din pero nandiyan pa naman kayo diba? Say Hi! Hahaha!

________________________________________

Chapter 9 - This can't be

[Pauline's POV]

O///O

Ugh!

Lumayo na din ako agad at biglang napaayos ng buhok.

"Uhh. Ako na yung kukuha ng band-aid."

Umalis ako agad at humingi ng band-aid. Binigyan din ako ng bulak na may betadine at yung isa may alcohol.

Mabagal akong naglalakad na parang lutang nang may makabangga sakin.

"Pauline?"

"Uy! Gian."

"Anong nangyari sayo?"

"Ah. Wala. Wala ah."

"Magkasama pa din ba kayo ni Devin sa community service?"

"Oo eh."

"Para saan ba yang hawak mo?"

"Ah eto? Ah.. Hehe. Binato ko kasi si Devin ng notebook. Kaya nasugatan siya sa noo."

"Ano? Hahaha! Nag-away nanaman kayo? Hindi na natapos yang pagtatalo niyo ah."

"Hindi talaga! Nakakainis naman kasi yang kaibigan mo! Saan ba pinaglihi yun?"

"Hahaha! You're cute. Kailangan mo lang talagang tiisin yung ugali nun."

"Psh. Bahala siya sa buhay niya. Buti ka pa, mas mabait ka kaysa sa kaniya."

"Hindi ka ba niya hinihintay dun?"

"Hala! Oo nga pala! Sige ah! Una na ko! :)"

"Hm. :)"

Pagkabalik ko ng faculty room, nakaupo pa din siya dun.

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Bakit nakaupo ka lang?!"

"Hindi mo ba nakikita? May sugat ako! Kasalanan mo to."

"Ugh. Sugat lang yan sa noo! Hindi ka naman naparalized!"

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon