Prologue

3.9K 91 3
                                    

"Ate ate, di ba dadalaw si kuya zach dito?"

tanong ni Kath sa panganay na kapatid na si Trina.

"Bakit ba gustong gusto mong makita yung Zach na yon?"

inis na tanong ni Trina sa bunsong kapatid.

Labing pitong taong gulang pa lamang si Katherina noon ng nagsimula ng ligawan ni Zach ang Panganay na kapatid neto na si Trina.

Pero halata sa muka ng kapatid nya na hindi si Zach ang tipo ng kanyang Ate.

May lihim na pag tingin si Katherina sa Kuya Zach nya na nakatatanda sakanya ng Limang taon.

mag kaedadan lamang sila ng nakatatanda nyang kapatid.

"Eh kasi naman ate ang bait nya sayo, sakin at kay nanay at tatay, biruin mo tinubos nya ang lupang sakahan natin."

nalungkot ang muka ni Trina sa inaakalang ugali ni Zach.

"Maiintindihan mo din ang lahat Kath, bata kapa."

sabi ng ate nya at ginulo ang buhok nito.

"Ate malapit na kong mag Labing walo oh, sa susunod na buwan na yon."

tuwang tuwa nyang sabi.

bumuntong hininga ang kapatid nya.

Kung sya lamang ang masusunod ay mas pipiliin ni Trina ang kanyang sarili pero hindi nya iyon ginawa dahil mahal nya ang kanyang mga magulang. Mayaman ang pamilya nila Zach Mueble, mabait ang mga magulang nito lalo na si Madam Zoila ngunit kahit ganon pa man ay hindi nya magawang mahalin si Zach dahil hindi ito ang lalaking gusto nya. Bukod pa dito ay hindi pa sya handang mag pakasal dito dahil hindi bata pa sila para sa edad na dalawampu't dalawa. Wala pa sa plano nito ang makasal lalo na kay Zach. Malaki ang utang na loob ng pamilyang Ramos sa mga Mueble lalo na kay Zach dahil tinubos nito ang ilang ektarya na lupang sinasaka ng kanilang mga magulang at umabot din 7 milyon ang halaga nito bilang kapalita ay ipapakasal nila si Trina kay Zach dahil ito ang kanyang natitipuhang maging asawa nito.

Tinignan ni Trina ang himbing na pagkakatulog ng kanyang kapatid nasi Katherina sa kanyang tabi. Ilang buwan na lamang ay ikakasal na sila ni Zach, hindi pa sya handa sa bagay na ito pero gagawa sya ng paraan para hindi muna matuloy ang kasal nila. 

Siguro sa huli ay matututunan nya ding mahalin si Zach.


--

Kasalukuyang nasa Mansyon ng Mueble ang pamilya Ramos ang pamilya nina Kath at Trina inimbitahan sila nina Zach dahil kaarawan nito at dito na rin gagapin ang engagement party nilang dalawa. Nakasuot ng off shoulder cocktail dress si Katherina na kapareho ng kanyang Ate Trina kulay lang ang pinagkaiba.

Busy ang mga tao sa pag aayos ng reception. ang iba ay natataranta at ang iba naman ay kalamado lang. 

Tahimik na nililibot ni Katherina ang kanyang mga mata sa maganda at eleganteng disenyo nito.  Sa pag lilibot nito napadpad sya sa malawak na hardin na nasa kaliwang bahagi ng reception. May mga iba't ibag rosas ang nakatanim doon. Marahan nya itong nilapitan at inamoy. Napa ngiti ito ng malanghap ang mabangong amoy ng rosas.

Napakislot ito na may humawak sa kanyang bewang at niyakap ito mula sa likod. Gulat nya itong nilingon at mula sa nakangiting muka ni Zach ay napalitan ito ng pagkabigla."

"I'm sorry Katherina, I thought you're Trina, pareho kasi kayo ng suot ng damit." wika ni Zach.

Napatingin din ako sa damit ko at nakaramdam ng pagkailang lalo na at may crush ako sakanya. piling ko tuloy namumula ako ngayon dahil sa ngyari. Kunsabagay ay magkamukha nga naman kami ni ate Trina, may nunal lang si ate trina sa bandang kanan ng kanyang labi na bumagay naman sa kanya.

"O-Okay lang po yun Kuya Zach." Nahihiya kong sabi.

"Ano pala ang ginagawa mo dito? Madilim dito baka mapano ka? Nasaan ang Ate mo?" tanong nito."

"Kanina po nakita ko sya papunta ng comfort room." sagot ko sakanya.

Tumango lang ito at inaya nya na akong bumalik sa recepcion dahil madilim nga naman sa parteng ito.


---

Nagsimula na ang programme at nagsalita na ang emcee ipinakilala si Kuya Zach sa mga bisita at ang ilan dito ay galing sa mayayamang pamilya ng aming bayan.

Tinawag na rin si Ate Trina. Napangiti ako ng inannounce na ang kanilang engagement. Masayang masaya ako para sa kapatid ko. May lihim man akong pag tingin para kay Kuya Zach pero alam ko naman na dala lang iyon ng mura kong puso dahil bata pa ako.  Mahal ko si Ate Trina at masaya ako sa kung ano ang ikakasaya nya.


Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon