Kinalkal ko yung lamang ng paper bag, May limang pares na dress na ibat ibang klase.
May body fitted, may floral dress, pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ay ang itim na dress na off shoulder.
Dali ko iyong kinuha para isukat napansin ko yung tag price tinignan ko iyon, lumuwa ang mata ko sa presyo non, 5,399? pangkain na namin iyon nila nanay iyon ng isang linggo o sobra pa.
tinanggal ko iyong tag price at nag madaling isukat.
Nagulat ako ng mapansin na saktong sakto ang sukat sakin. Lag pas tuhod ang tabas neto napakanganda at napaka kumportable.
Nagngalkal din ako ng Sapatos na ipapares sa dress na suot ko, nakita ko din ang itim na sapatos pero hindi ganon kataas ang takong. Kung anong mahal ng damit mas mahal itong sapatos parang ayokong isuot at gusto ko na sambahin nalang ito,nakakahinayang naman kasi na sa paa ko lang siya maisusuot.
Inilapag ko muna iyon sa kama at inayos ang ibang paper bags at itinabi muna ito.
Nag ayos na ko ng sarili, buti nalang at nakapag aral ako ng pag memake up at pag aayos at iyon ang trabaho ko sa amin noon. Ako din ang nag ayos sa sarili ko nung kasal namin.
Inilabas ko ang ilang make up sa tukador at nag simula ng mag ayos,napansin kong nag bago na ang kulay ko malaki ang ipinuti ko simula ng tumira kami dito.
Nag lagay muna ako ng cream sa muka ko at konting foundation para kumapit ito at matagal matunaw.
Naglagay na din ako ng di kakapalan na black na eyeshadow. Ng matapos ako ay nag lagay naman ako ng color lips lipstick.
sinipat ko ang sarili ko sa salamin, simple lang siya pero muka naman akong elegante dahil sa suot ko at di ako sanay.
Itinali ko ang buhok ko at ipinulupot iyon ng hindi mahigpit dahilan para malaglag ang ilang hibla ng buhok ko.
Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin at ngumiti.Umupo ako sa at tinignan ang sapatos na isusuot ko.
Ng hihinayang talaga ako, kung yung flat shoes ko nalang kaya ang ipares ko.
Kaso naman hindi bagay sa suot ko.
Tinitigan ko nalang ang Sapatos isusuot ko ba o hindi? nakakahinayang kasi talaga.
Nakita kong bumukas ang pinto. Kanina pa kaya siya nag hinintay? di ko siya nakitang lumabas sa Walk in closet akala ko nandun pa siya.
"Isusuot mo ba yan o tititigan mo nalang?"
nakapa nganga ako ng makita siya.
Naka suot siya ng itim na long sleeve at itinupi iyon hanggang siko. Napaka gwapo niya para akong nakakita ng isang geek god na kagaya ng napapanuod ko sa Cd.
Ang sarap niyang titigan, nakakabaliw.
Nagising lang ako sa pag papantasya sakanya ng lumapit siya saakin at lumuhod sa harap ko.
"Hindi tayo makakaalis kung wala kang sapatos na suot."
sabi neto at isinuot sa mga paa ko ang sapatos.
Fit na fit sa paa ko ang sapatos.Pano niya nalaman ang sukat ng paa ko? Pati ang katawan ko alam niya.
Tumayo siya at inilahad niya ang kamay niya sakin.
Nanginginig kong inabot ang kamay niya at tumayo na din mula sa pag kakaupo.
Naramdaman ko ang milyong milyon na boltahe sa katawan ko, napansin ko din na uminit ang muka ko, nakakahiya baka sabihin niya feel na feel ko ang kamay niya.Ng makababa kami ay nakita ko si manang na nakatingin sakin.
"Ang ganda mo Anak."
wika neto, nahihiya akong yumuko at nag pasalamat.
Nag paalam na kami kay Manang at ng makarating kami sa sasakyan niya ay pinag buksan niya ko ng pinto.
Nakaramdam nanaman ako ng paru paru sa tiyan ko.
napaka gentleman niya, kaya mas lalo akong mahuhulog sakanya.
Sana ganon din siya.
ng makapasok na din siya sa loob ay bigla siyang nagsalita.
"You look gorgeous Katherina."
na siya namang nag painit ng pisgi ko.
pag kasabi neto, ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at nag simula ng mag maneho.
----
Kinikilig ako . ^__^
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...