FFY 43

1.9K 50 6
                                    

May nakita siyang ale na nag lalakad at tinanong ito.

"Magandang araw ho, nasaan po yung mga tao sa bahay na malapit sa bukid?"

Tanong nito, nakatingin lang ito sakanya.

"Aba kilala kita ahh ikaw si Mr. Mueble, tama nga ang anak ko napaka gwapo mo."

Ngiting sabi nito.

Kumamot si Zach sa ulo niya dahil sa sinabi ng ale.

"Kilala niyo po ba si Katherina Ramos yung nakatira doon sa kubo?"

Tanong niyang muli.

"Wala akong kilalang Katherina balong na nakatira doon, Kathlene, yun ang pangalan ng magandang dalaga na kasama ni Tandang Erling."

Napaisip siya. Bakit Kathlene ang pakilala nito sa mga tao.

Umiling nalang ito.

"Alam niyo po ba kung nasaan siya ngayon?"

Nag taka ang ale kung bakit nito hinahanap ang dalaga.

"Kaano ano mo ba ang batang iyon at bakit mo hinahanap?"

Naiinis na sya sa tinuran ng ale dahil maraming tanong.

"A-asawa ko ho siya."

Magalang na tugon ni Zach.

Lumaki ang mata ng ale.

"Sabi ko na nga ba eh, dahil kamuka niya yung babaeng kasama mk sa dyaryo iyong asawa mo, nung tinanong ko siya minsan sabi niya hindi ka daw niya kilala at malabong asawa mo siya."

Kumirot ang puso nito sa sinabi ng ale,.

"Dun sya nag tratrabaho sa Diva Salon malap---"

Di na nito hinintay na matapos mag salita ang ale at agad syang pumasok sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurot ang ito.

.

Ng makarating siya ng salon ay agad itong bumaba at mabilis binuksan ang pinto.

"Good morning Si---"

"Im looking for Katherina Ramos."

Putol nito sa bakla na nag salita.

"Kahapon may nag hahanap sakanya dito na lalaki gwapo rin, pero pasensya na walang Katherina Ramos dito."

Mataray na sagot ng bading.

Nagulat ito sa sinabi nito, sino naman kaya ang nag hahanap sakanya bulong nito sa sarili.

Nararamdaman nya na andito ang dalaga.

Alam niya iyon kaya hinaluhog nito ang buong salon.

"Hoy Mr. Pogi wag kang mangulo dito di porke na gwapo ka may karapatan kang guluhin ang salon ko marami akong costumer kaya kung di ka mag papahaircut or chuchu umalis kana dito."

Tuloy tuloy na sabi ng bading.

Tinitigan nito ng matalim ang bading at halata sa muka nito ang pag katakot.

"I need to see my Katherina, I want my wife back!"

Gigil na sabi ni Zach.

Lumapit siya sa bakla at inalog alog ang balikat nito.

"Alam ko andito siya ilabas niyo si Katherina!Fuck!!"

Di niya na napigilan ang sarili niya.

"S-sir huminahon po kayo, w-wala po ang Katherina na hinahanap niyo d-dito."

Pakalma ng isa sa mga trabahador ng salon kay Zach.

"Please, tell me. Andito si Kath ang asawa ko, I want her back."

Pag mamakaawa nito.

"M-may Kath na nag tratrabaho dito diba yung maganda na babae."

Tumingin ang binata sa nag salita isa ito sa costumer ng salon.

"Oo meron pero hindi katherina ang pangalan niya Kathlene."

Sagot ng isang babae.

Naalala niya yung sinabi ng ale.

"Oo Kathlene yan ang pangalan niya na sinabi sainyo pero siya si Katherina.di katangkaran, alon alon ang mahaba nitong buhok, mapupungay ang mata matangos ang ilong at maninipis na mapulang labi."

Paglalarawan niya sa asawa.

"Oo siya nga."

Sabi nung costumer ng salon.

"Nasan siya? Nasaan ang asawa ko?"

Tanong nitong muli.

"Wala siya dito, kanina lang ay isinugod siya sa hospital dahil inaapoy ng lagnat."

Aalis na sana ito ng may pumasok na naka uniporme na babae na kagaya din ng uniporme ng nasa salon.

"Oh, Jasmine nasaan na si Kath kamusta na siya."

Tumungin kay Zach ang tinawag na jasmine at ibinaling sa iba ang mata niyo.

"Uhm m-mataas ang lagnat nito dahil isang beses lamang siyang kumakain sa isang araw kaya kulang siya sa lakas, pati ang b-baby niya humihina ang kapit at maaring malaglag.."

Halos mapaluha si Zach sa nalaman.

Lumapit iti kay Jasmine at hinawakan ang balikan.

"N-nasaan siya."

Kumuluha nitong tanong.

"Mr. M-mueble bakit po kayo n-nandito?"

Taka nitong tanong sa binata.

"Answer me, where is my wife!"

Ng maibigay nito ang hospital address ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan. Di niya alam na nag dadalang tao ang asawa niya at habang buhay nitong sisisihin ang sarili kung may mang yaring masama sa anak niya.

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon