FFY 11

1.7K 50 9
                                    

Maaga akong nagising. Nakita ko si Manang nag lalabas ng iluluto mula sa pridyider.

"Magandang umaga Manang."

bati ko sakanya. lumingon siya sakin at ngumiti.

"Aga mo namang nagising Kath."

tanong ni Manang.

"Uh,gusto ko lang pong ipag luto ng agahan si Zach."

nahihiya kong sabi.

Ngumiti siya sakin.

"Pinamumulahan ka Anak."

hinawakan ko yung pisngi ko.

"Wag ka ng mahiya dalawa la naman tayo dito."

natatawang sabi ni Manang.

.

Nag umpisa na akong magluto ng Adobo, Paborito daw kasi iyon ni Zach na agahan.

Nilagyan ko ng konting sili ,para mas masarap.

Nag hahain na kami ni Manang ng pagkain sa lamesa , ng makita ko siya na Pababa ng hagdan.
Nakaligo na ito at nakabihis.

"Umupo kana dito para kumain ng agahan."

tawag ko sakanya.

"Hindi na sa labas na ko kakain nag late na ko."

nakaramdam ako ng konting lungkot, ngayon ko lang kasi siya naipag luto ng agahan.

Napansin naman ni Manang iyon.

"Sigurdo kang di ka na mag aagahan Anak? luto ni Katherina to."

Sabi ni Manang ng makalabas na siya ng pinto.

Pumasok ako sa kusina at kinuha ang malamig na tubig sa loob ng Pridyer.

Napa buntong hininga nalang ako, mag aalmusal nanaman akong mag isa.

Sumandal ako sa labo, parang nawalan ako ng gana, ayain ko na lang si Manang na kumain para naman hindi masayang ang pagkain.

Nakarinig ako ng mahihinang pag galaw ng kubyertos sa Hapagkainan, dali akong lumabas mula sa kusina dala ang pitsel na may malamig na tubig.

Napangiti ako sa nakita ko.

Nakaupo si Zach sa pinaka dulong upuan at magang kumakain.

Inilapag ko ang tubig sa lamesa at umupo malapit sa tabi niya. Nakita ko si manang na naka ngiti.

"Manang halina kayo at sumabay samin."

aya ni Zach.

"Sige lang anak, mamaya na ko."

tangi ni Manang.

Habang kumakain ako, pasimple kong tinitignan si Zach na tuloy tuloy ang subo. Nag salin ako ng tubig sa baso at inilagay iyon sa gilid ng plato niya.

"Delicious."
sabi neto at tumayo na sa hapag at umakyat papunta sa taas.

Napangiti ako sa sinabi niya kasi nasarapan siya sa luto ko.

Ng matapos na rin akong kumain ay nagligpit at nag hugas ako ng kinainan namin. Nag prisinta si Manang pero sinabi ko sa kanya na ako na ang mag huhugas at kumain na din siya ng agahan.

Ng matapos na ko sa gawain ko ay umakyat na ko sa kwarto para mag ligpit ng higaan.

Pero nakita ko si Zach na naka panglakad na damit, san kaya siya pupunta? akala ko ba papasok siya.

Hindi na ko nagtanong pa at nagligpit na lang ng Higaan.

"Bilisan mo jan at may pupuntahan tayo."

sabi neto habang nag aayos sa harap ng salamin.

Pumasok ako sa banyo at naligo ng mabilis.

ng lumabas ako ay nakita ko siya nanakaupo sa kama habang hawak ang Cellphone at kunot ang noo.

Pumasok ako sa walk in closet para lumuha ng damit na babagay sa suot niya.

Napili ko ang bulaklaking bestida na hanggang tuhod ang tabas.

Paglabas ko wala na si Zach .

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon