FFY 20

1.6K 47 0
                                    

Papalabas na ko ng building ng biglang may nakabungo sakin, dahilan kaya nalaglag ang paperbag na hawak ko..

Pinulot ko iyon at tinulungan ako ng nakabunguan ko, na hindi ko alam kung sino dahil di ko nakita ang muka niya.

"Sorry Miss, nag mamadali ako. pasensya na."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko siyang nag salita.

Iniangat ko ang ulo ko para tignan siya at mas lalo kong na kumpirma na siya nga.

Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko ng makita siya.

Tumingin ako kaniya, nakita ko ang lungkot at pagkasabik sa mga mata neto.

Pinunasan ko ang luhang patuloy sa pag agos sa aking pisngi.

"M-mahal ko."
Mahina nitong sabi.

Sinampal ko siya ng malakas at tumakbo palayo sakanya.

Hinabol niya ko pero mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
Mabilis akong nag para ng taxi at sumakay agad. Nakita ko siyang nakayuko at bagsak ang balikat na pumasok sa building na pag mamayari ng Mueble.

Kumunot ang noo ko.

Ano kaya ang ginagawa niya doon? At bakit naka pang office attire siya?

Mas lalo akong naguluhan, ipinilig ko ang ulo ko at nag punas ulit ng luha sa mga mata ko.

.

Ilang araw na din ang nakakaraan ng magpunta ako sa kumpanya nila Zach at ang pagkikita namin muli ni Michael.

Di na ko nag tanong pa kay Zach kung bakit nandun din si Michael .

Katatapos ko lang ding maglinis ng bahay.

Pumasok ako sa kwarto at mabilis na naligo.

naalala ko sila nanay at tatay.
Ilang buwan na kong di nakaka dalaw sakanila.

Tinawagan ko si Zach para magpaalam pero ring lang ng ring ang cellphone niya.

Naglagay ako ng ilang damit sa bag at bumaba.

"Manang."

Tawag ko sakanya.
Nakita ko siyang lumabas sa kusina at lumapit saakin.

"Nakabihis ka ata may lakad kaba?"

Tanong niya.

"Uhm opo, uuwi po muna ako sa probinsya namin dalawang araw po akong mawawala, tinatawag ko po si Zach para mag paalam pero di niya sinagot kaya, sainyo nalang po ako mag papaalam, paki sabi nalang po sakanya na umuwi muna ako kila Nanay at Tatay."

Mahaba kong sabi.

"osya sige, ako na ang bahalang magsasabi sa batang yun. Ingat ka sa daan kath."

Paalala niya.

"Opo manang salamat po, ingat din po kayo dito."

Ngumiti ako sakanya at yumakap, ayoko mang iwan si manang dito na mag isa pero namimiss ko kasi sila Nanay at Tatay.

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon