FFY 19

1.5K 49 1
                                    

Nakarating ako sa kumpanya ng pamilya ni Zach at pumasok sa loob. At dahil ngayon palang ako naka punta dito ay tinanong ko sa Information desk kung anong floor ang office ni Zach, tinignan muna niya ako bago sinabi kung saan iyon.

Pumasok ako sa elevator at marami ding mga empleyado akong nakasabay at pinindot ko ang 28th floor.

Ng makarating ako doon ay, hinanap ko ang Office niya.

"Tatanong ko lang po sana kung saan ang Office ni Zach."

tanong ko sa lalaki na papasok sa pinto na nasa tapat ko

"Uhm, may appointment po ba kayo?"

"Uh! wala po."
sagot ko.

"Ai pasensya na po kayo pero di po kayo pwedeng makipag usap kay Mr. Mueble, kung wala po kayong appointment."

secretary niya siguro to.

"P-pero ibibigay ko lang po sana sakanya ito."

sabay taas ng paper bag na dala ko.

"Pasensya na po pero hindi po talaga pwede, tsaka isa pa po ngayon ko lang din po kayo nakita dito."

Oo nga pala hindi nila alam na may asawa na si Zach, tanging pamilya niya lang ang nakakaalam.Ayoko naman na pangunahan si Zach kasi baka magalit siya sakin.

Yumuko ako, sakto naman na bumukas ang katapat namin na pinto,kung saan sana papasok yung lalaki

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Zach na nakatingin sakin.

"P-pasensya na po sir, nag pupumilit po k---."

"Get her in She's my....Wife."

sabi neto at pumasok sa loob.

Nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ng tuwa.

"Naku! p-pasenya na po m-ma'am, di ko po kasi alam, di niyo po kasi sinabi."

sabi neto at iginaya ako sa loob.

"A-ayos lang."

sabi ko at ngumiti.

.

"What are you doing here.?"

malamig netong sabi.

"Uh! dinalhan kita ng pagkain."

sabi ko at tinaas ang paper bag na dala.

"Si manang ang inutusan ko na mag hatid dito, hindi ikaw."

kumirot ang puso ko sa sinabi niya, dapat pala di na ko mag pumilit na ako ang mag hatid. Para hindi naipamuka sakin na parang ayaw niya akong makita.

"P-pasensya kana, ako kasi ang namilit kay manang na mag hatid neto sayo."

sabi ko at yumuko.

"Pero, aalis na din ako agad. Inihatid ko lang talaga sa iyo ito."

inilapag ko ang pagkain sa babasaging lamesa na nasa loob ng office niya at tumalikod na.

"No. Stay here... Samahan mo akong kumain."

lihim na nag diwang ang puso ko sa sinabi niya. Inalis ko muna ang mga ngiti ko sa labi bago humarap sakanya.

Inilabas ko ang pag kain at pinggan. Nag simula na siyang kumain at pinanuod ko nalang siyang kumain.

"Papanuorin mo nalang ba ako habang kumakain?...Eat."

utos niya

"Iisa lang kasi yung kutsara at tinidor."

nahihiya kong sabi, alangan naman kasi na maghiraman kami.

Sumandal siya sa upuan at inilapag ang kutsara at tinidor.

Naku! nagalit ko ata siya.

Tumayo siya at nagpunta sa banyo, nawalan ba siya ng gana sa sinabi ko? wala namang nakakawalang gana dun diba? totoo naman iisa lang ang kutsara at tinidor.

ng bumalik na siya ay umupo ulit at kumain, pero gamit ang kamay.

"Wash your hand and Eat."

utos niya.

Nag madali ko siyang sinunod at magkasabay na kaming kumain.

-----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon