FFY 44

2.1K 46 3
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.

Puro puti lamang ito.
Hospital?

Naku sigurado akong libo ang babayadan ko dito, wala ako pambayad.

Nilibot ko ang mata ko sa apat na sulok ng kwarto at napansin ko ang swero na naka lagay sa kamay ko.

Sinubukan kong umupo pero nahihilo ako.

Nakita ko si Zach na pumasok sa kwarto at kinabahan ako ng makita siya.

"K-katherina."

Bulong niya.

Tumingin ako sa bintana.

Kinakapa ko ang galit sa puso ko pero wala akong makapa, mahal na mahal ko siya iyon lang ang alam ko.

Ni isa sa mga ginawa niya ay di ako nakaramdam ng poot.

Pero nag tataka ako na nandito siya gayong hiwalay na kami.

Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang ulo ko.

Tumingin ako sakanya at kita ko sa mga mata nito ang lungkot.

Napansin ko din ang pag bago ng katawan niya mejo na ngayayat ito , pinabayaan ata siya ni Jasmine.

"Zach, p-paano mo nalaman n-na andito ako."kabado kong sabi.

Pinilit kong abutin ang bag ko at kinuha ang wallet ko.

"E-eto nga pala, p-pasensya kana ahh isang libo lang muna ang maipapauna ko dahil wala pa kong sweldo p-pero pangako b-bayaran k-kita."

Ng hihina kong sabi.

Ngumiti ako sakanya at ipinikit ang mata.

Pagod na pagod ang buo kong katawan.

"P-pasensya na d-di ko naipag l-laban ang pag m-mahal ko sayo...

Tumulo ang luha ko na kanina ko  pa gustong pigilan, traydor ang luha at puso ko.

...p-pinili ko lang k-kung saan ka mas sasaya."

Ngumiti ako ng mapait at mariin na ipinikit ang mga mata ko.

Naalala ko ang sinabi ni Nanay Erling kagabi na nag dadalang tao ako.

Napaiyak nanaman ako dahil hindi ko naalagaan ang anak ko.

"I-im sorry Katherina."

Garalgal nitong sabi.

Umiiyak ba siya?

Bakit siya umiiyak? Wala siyang dapat na ikahingi ng sorry dahil kasalan ko lahat.

Tumingin ako sa kanya na sapo ang ulo habang patuloy ang pag tulo ng luha nito sa sahig.

Hinaplos ko ang buhok niya at umayos siya ng upo at tumingin sakin.

"Napaka gago ko Kath para pabayaan ka. Ang gago gago ko. Sh*t !"

Nang gigil na sabi nito sa pagitan ng pag iyak

"Please Kath, forgive me."

Hinawakan nito ang kamay ko at mariing hinalikan.

Sa tagal na nag sama kami ngayon lang niya hinawak ang kamay ko.

"Wala kang...kasalanan Z-zach, ako... Ako ang dapat humingi ng t-tawad dahil sa pag k-kuha ko ng p-pera mo."

Wika ko sa pagitan ng pag iyak.

"B-babayadan kita... Pangako... A-at yung sainyo ni J-jasmine... P-pangako h-hindi ako mang gugulo."

Masakit man isipin na ang lalaking mahal ko ay may mahal ng iba kailangan ko itong tangapin dahil ito ang desisyon niya.

"W-walang kami."

Malalim na boses na sabi nito.

Naguguluhan ako sa mga pinag sasabi niya.

"Please Kath, come back to me... And...and I'll explain everything."

Pakiusap nito.

Halos lumundag ang puso ko sa sinabi niya.

"Hindi...hindi ganoon kadali iyon Zach!".

Mapait akong ngumiti.

"Paanong hindi ganon kadali Kath, mahal mo ko at.... Mahal din kita, ano ba ang mahirap doon."

Matigas nitong sabi.

Muling nadagdagan ang luha na tumulo sa mga mata ko dahil sa pag amin nito ng nararamdaman niya saakin.

"Pumirma ako sa Annulment papers natin, ibig sabihin non, pumayag ako...."

Mahina kong sabi.

"Pinunit ko ang papel na yon...hindi ako ang nag asikaso nun, si Jasmine....hindi ko siya mahal ikaw lang ang mahal ko. Tapos na ang samin matagal na at malinaw na saakin ang lahat. Oo nag plano kaming mag pakasal noon dahil walang kasuguraduhan ang saamin ni Trina... Pero nalaman ko na ipinalaglag niya pala ang anak namin kaya nakipag hiwalay ako sakanya dahil mas pinili niya ang pumatay ng walang kamuwang muwang na bata at ipinagpatuloy ang career niya....."

Mahaba nitong lintaya.

"Please Kath, bumalik kana sakin. Gagawin ko ang lahat para makabawi sa lahat ng pag kukulang ko, pupunuin natin lahat ng nasayang natin na oras bumalik ka lang sakin muli."

Hinigpitan nito ang pag hawak sa kamay ko.

"P-pag iisipan ko......"

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon