Alasais ng umaga ay bumangon na ko para mag luto ng agahan, dahil wala si manang ako lang ang mag isang mag lilinis ng buong bahay.
Kinapa ko ang bahaging kaliwa ng higaan pero wala si Zach doon.
Bumaba ako ng hagdan at nag babaka sakaling nandoon si Zach pero wala siya.
Nag luto ako ng agahan at nag linis na ng buong bahay.
Nag pahinga ako saglit at umupo sa sala.
Kinuha ko ang cellphone ko na naka patong sa center table.
1 message
From: +63908*******
Good morning, Kath. This is Michael please save my number.
At bakit ko naman isesave ang number niya baka makita pa ng asawa ko.
Naalala ko nga pala ngayon ko ibibigay ang perang hinihiram ni tatay.
Mabilis akong naligo at agad na tinext si Michael.
To:+63908*******
Magkita tayo sa Ikabud Filipino Restaurant. Ngayon na!
Lumabas ako ng bahay at inilock lahat ng pinto.
Mabilis akong pumara ng taxi at pumunta sa lugar na pag kikitaan namin ni Michael.
Ng makapasok ako agad akong nag hanap ng mauupuan.
Umupo ako malapit sa bintana para makita ko ang mga taong dumadaan.
Umorder ako ng lemonade at ininom iyon habang hinihintay si Michael.
Nagulat ako ng may mag piring sa mata ko.
Tinangal ko iyon at nakita ko si Michael na naka ngiti.
"Na miss mo ba ako, kaya gusto mong makipag kita saakin?"
Abat ang kapal ng muka ng mokong na to.
"Excuse me. Hindi ako nakipag kita sayo para makipag biruan."
Inis kong sabi sakanya.
"Uh! Anong sadya mo, Bakit ka nakipag kita saakin. Naisip mo na ba na iwan si Zach babalikan mo na ako?"
Ngumiti siya ng mapang asar.
"Nandito ako para ibigay sayo ito...
Sabay abot sakanya ng sobre na nag lalaman ng limang libo na hinihiram ni tatay.
....humiram kasi si tatay para sa pagtatanim nila ng mais, sabi ni tatay sayo ko nalang daw iabot kesa mamasahe pa ko pauwi sa probinsya natin."
Mahaba kong sabi.
Tumango naman sya habang naka ngiti parin.
"Ano ba? Seryoso ako wag mo kong nginingitian."
Inis kong sabi.
"Ang ganda mo talaga pag nagagalit ka, naalala ko tuloy noon nung nagagalit ka sakin dahil nalate ako ng dating sa tagpuan natin."
Naka ngiti niyang sabi.
"Haynako! Ewan ko sayo. Aalis na ko basta paki bigay nalang iyan kay tatay."
Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Wag ka ng magalit sakin, ang cute mo lang kasi."
Inisnob ko siya at binawi ang kamay ko.
"Oo na sige na! Ang kulit mo aalis na ko!"
Nag lakad na ko palabas ng restaurant ng marinig ko siyang sumigaw.
"Bye mahal ko!"
Di ko siya pinansin at nag lakad palayo sa restaurant.
Inaamin ko. Nakakamiss din siya pero di ko na siya mahal si Zach na ang mahal ko.
Nakakahinayang lang kasi ang pinag samahan namin.
Pero handa akong mag simula ulit kasama si Zach ang asawa ko.
---
Last Ud ko ngayon tsaka na ko mag aupdate pag tapos ko na imiminsanan ko nalang sana bago mag pasukan matapos ko na hihi 😁
Enjoy reading 😘
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...