FFY 31

1.6K 42 3
                                    

Nakarating ako sa bahay at di padin tumitigil ang pag luha ko.

Sa mga oras na to sigurado ako na nag papakasarap na silang dalawa samantalang ako ay nag hihirap.

Binuksan ko ang gate at pumasok ako sa loob.

Nagulat ako ng makita ko si Michael na naka upo sa single couch.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko.

"Kath... Bakit ka umiiyak? Pinaiyak ka nanaman ba niya? Napaka gago talaga ng Zach na yon."

Sabi neto pero di ko siya pinansin.

"Ang sabi ko anong ginagawa mo dito."

Tumaas ang boses ko dahil naiinis ako pag nakikita ko siya, ayoko na ito nanaman ang pag awayan namin.

"Pasensya kana anak, pinapasok ko siya kasi nangungulit."

Tumingin ako kay manang.

"Sa susunod po na mangungulit siya na pumason dito wag niyong pag bubuksan ng gate!!...

Nagulat ako sa inasta ko kay manang,nakita ko siya na yumuko.

....p-pasensya na po manang diko po kayo sinasadyang pag taasan ng boses, ayoko lang po siyang makita dito."

Umakyat na ko ng hagdan.

Bago ako pumasok sa kwarto ay nakita ko na itong lumabas ng bahay.

.

Nakatulala ako sa balkonahe ng kwarto.

Siguro kung hindi kami ikinasal ni Zach, si Jasmine siguro ang kapiling niya ngayon.

Hindi ko naman kasalanan lahat, dahil pinilit niya lang ako.

Pinipilit ko din ang sarili ko na huwag mahulog sakanya pero mahirap pigilan ang pusong nag mamahal.

Ngayon na bumalik na si Jasmine sigurado ako na mag papakasal na sila at iiwan niya na ko.

Sigurado ako na inaasikaso na niya ang annulment papers namin.

Pinikit ko ang mata ko at pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at lumagabag ito.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at huminga ng malalim.

Yumuko ako at kunwaring tinitignan ang cellphone ko para di niya mapansin ang pamamaga ng mata ko.

"A-ang bilis mo naman ata?"

Pinilit kong pakalmahin ang boses ko para di niya mahalata amg panginginig neto.

"Ahh... Ano kasi.. Uhm!"

Nagulat ako dahil handa siyang mag paliwanag sakin,samantalang dati ay hindi niya ko pinapansin at dumideretso na agad sa kama.

"Ayos lang..."

Nasabi ko nalang at yumuko.

Shizz Katherina, kung artista ka lang may award kana bilang best actress.

Ang ipokrita mo eh.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at lumabas ng kwarto.

Lumingon ako at ito nanaman ang luha ko.

Humiga ako sa kama at pumikit ng mariin, kanina pa ako umiiyak pero bakit parang hindi padin nauubos ang luha ko.

Kailangan ko na din sigurong tanggapin na sa relasyong ito ako lang ang nag mamahal. Ako lang ang nag aalaga, ako lang ang nakakaisip ng happy family pero siya nag mamahal din, nag aalaga at nag iisip ng isang masayang pamilya. Pero hindi saakin....

Kay Jasmine.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon