FFY 22

1.5K 47 1
                                    

Maaga akong nagising para samahan si nanay na mamalengke, tinignan ko yung cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko.

18 missed calls and 9 messages
Nanlaki yung mga mata ko, naku patay nanaman ako neto kay Zach.

Bumangon na ko mula sa pag kakahiga at lumabas ng kwarto, nakita ko si Tatay na isinasawsaw sa kape ang pandesal na hawak.

"Magandang umaga Tay."

Bati ko sakanya.

"Oh aga mong nagising anak."

"Opo sasama po kasi ako kay nanay na mamalengke."

Sabi ko sakanya, nagtungo ako sa banyo at nag hilamos ng muka.

Habang nasa palengke kami ay maraming bumabati sakin.

Nakakailang, dahil ba sa napangasawa ko ang pinaka mayaman sa bayan namin kaya ganyan sila? Samantalang dati, kapag na mamalengke kami ni nanay deadma lang sila samin.

"Mare, isang kilo ngang buto buto."

Sabi ni nanay kay Tita Linda.

"Oh mare, kasama mo pala si Kateng...
Sabi neto at ngumiti sakin.
...napaka swerte mo talagasa anak mo Mare."

Dugtong pa neto.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

.

Ng makauwi kami sa palengke ay inayos ko na ang ibang pinamili at nag prisinta na din ako na mag luto ng itlog at tuyo.

Ng matapos na ako ay naglagay ako ng kanin at ulam sa Tupperware na siyang ihahatid ko sa bukid, para kay tatay.

"Nay,ihahatid ko lang po itong pagkain ni tatay sa bukid."

Paalam ko sakanya.

"Sige anak bilisan mo para kakain na tayo pag balik mo."

Kinuha ko iyong plastik at tubig para kay tatay at lumakad na.

Maraming tao sa bukid dahil panahon ngayon ng anihan. Ng makarating ako ay sakto naman na nag papahinga sila.

"Tay! Eto na po ang almusal niyo."

Sabi ko dito at iniabot ang plastik sa kanya.

"Salamat anak."

Sabi neto.

"Kateng, ikaw ba yan? Grabe ang ganda mo na naneng."

Sabi ni Manong Terio.

"Kayo nga din po Manong Terio, ilang buwan lang po tayong hindi nagkita ang gwapo niyo na."

Biro ko at nag tawanan kaming lahat.

Nag paalam na ko kila tatay na mauuna na kasi walang kasama si Nanay sa bahay, habang nag lalakad ako ay napadaan ako sa bahay nila Michael, nakita ko ang isang kulay itim na kotse pero luma na  iyon.

Yumuko ako at nag madaling nag lakad ng makita ko si Michael na palabas ng bahay nila.

Namuo ang kaba sa aking dibdib.

Ayoko siyang makita.

Tapos na ang lahat saamin.

"Kath!"

Tawag niya hindi ko siya nilingon.

"Katherina!"

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon