Ilang araw na kaming hindi nag uusap ni Zach matapos ang mga ngyari saamin.
Para bang lagi niya nalang akong iniiwasan. Minsan pa kapag ka galing niya sa trabaho naka ngiti siya pero pag kanakikita niya ko nag babago ang ekspresyon ng muka niya. Di ko nalang ipinahahalata na nasasaktan ako pero kapag nag iisa ako hindi ko na napipigilan ang luhang nag sisiunahang tumulo.
"Manang, pag kaalis ko pakilock nalang iyong gate."
Bilin ni Zach bago lumabas ng bahay.
At dahil wala naman akong gagawin napag pasyahan ko nalang na mag linis ng bahay.
Habang nag lilinis ako ay narinig kong tumunog ang doorbell.
Imposibleng si Zach iyon dahil kaalis lang niya.
Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate.
"Ano nanaman bang ginagawa mo dito?"
Iritado kong tanong kay Michael.
"Hindi mo ba ako papapasukin?"
Napabuntong hininga ako.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayaw na kitanv makita, bakit ba ang kulit mo!"
Sabi ko at isinarado ang gate.
Pumasok ako sa loob ng bahay para ituloy ang pag lilinis.
"May ibibigay lang naman ako sayo eh!"
Halos mahimatay ako sa sobrang gulat.
Hinawakan ko ang dibdib ko kasi sobrang lakas ng tibok nito dahil sa pagka gulat.
"Ano bang kailangan mo, at bakit ka nakapasok dito. Isinarado ko naman ang gate ahh!"
Tumaas na ang boses ko kasi ang kulit niya.
Nagulat ako ng makita ko si manang at nagulat din siya sa na nandito si Michael.
"Umakyat ako sa bakod niyo, may ibibigay lang sana ako sayo."
Ang kulit talaga.
"Kung ano man iyan wala akong pakialam kaya pwede ba umalis kana dito."
Sabi ko at tumakod na.
"Ipinaaabot lang kasi ito ni Mang Ruben sayo."
Lumingon ako sakanya ng marinig ko ang pangalan ni Tatay.
Nakita ko ang isang puting sobre sa kamay nito. Kinuha ko iyon.
"Makakaalis kana."
Malamig kong sabi.
"Mag usap muna tayo kahit saglit lang."
Pakiusap nito.
"Pakiusap, Umalis kana!"
Madiin kong sabi.
Nakarinig ako ng pag bukas ng gate.
Nilingon ko si manang na nag pupunas ng mga display.
"Manang?"
Tawag ng nasa labas at kumatok.
Nakaramdam ako ng takot at kaba ng marinig ko ang boses ni Zach sa labas.
Tumingin ako kay manang na sinasabing wag buksan ang pinto.
Naintindihan niya naman ang sinasabi ko, namumuo na ang luha sa gilid ng mata ko.
Patuloy padin ang pag katok sa labas at pag tawag nito kay manang.
Tumingin ako kay Michael ng matalim umagos na ang luha sa mata ko dahil wala akong maisip na gagawin.
Lumapit si Manang saakin.
"Itago nalang muna natin siya sa Hardin."
Bulong ni manang.
Laking pasalamat ko dahil ako mismo hindi ko naisip yon.
Ayaw pa sana ni Michael pero pinilit ko siya dahil natatakot ako sa pwedeng gawin ni Zach.
Pinunasan ko ang luha ko at bumuntong hininga.
Binuksan ko ang pinto at bumungad saakin ang naka kunot na noo ni Zach.
Yumuko ako at itinuloy ang pag lilinis.
"Manang?"
Tawag niya.
"Mana--"
"Oh! Zach bumalik ka, may nakalimutan ka ba?"
Kalmadong sabi ni Manang.
"Ah! Yung Flash drive sa bulsa ng pants ko kahapon naiwan ko kukunin ko sana."
Sabi nito.
"Sige kukunin ko sa marumihan."
Sabi ni Manang at akmang aalis na sana ng pigilan siya ni Zach.
"No, manang ako ng kukuha."
Kinabahan ako bigla.
Kasi malapit ang Laundry room sa Hardin kung saan nag tatago si Michael.
"Hindi ako ng kukuha."
Sabi ni manang.
"Ako na po, baka marami pa kayong gagawin."
Sabi neto at nag lakad na ito papunta sa laundry room.
Ilang minuto na siya sa laundry room pero hindi padin siya lumalabas, kinabahan ako baka kasi makita niya si Michael.
Nag punta ako ng kusina para uminom ng tubig, di ko alam ang gagawin ko ano kayang ginagawa niya sa laundry room."AH NANDITO KA LANG PALA!"
nagulat ako at nabitawan ang baso na hawak ko ng marinig kong sumigaw si Zach.
Tumakbo ako papuntang laundry room.
Tinignan ko siya na pinupulot ang Flash drive sa sulok.
Laking pasalamat ko dahil ang akala ko nakita niya si Michael.
Nagulat siya ng makita ako na nakatayo sa pinto.
"Ahh-- n-narinig kasi kitang sumigaw. A-akala ko---"
Di niya ko pinansin at nag lakad na ito palabas ng laundry room.
----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...