FFY 12

1.6K 48 6
                                    

Dedicated to @MaIsabelHernandez9

Hinanap ko siya sa sala pero wala.

Tinanong ko kay Manang kung nasan siya, nakita daw niya itong nag madaling lumabas.

Pumunta ko sa garehe, wala yung sasakyan niya.

Napa buntong hininga nalang ako at bagsak ang muka na pumasok sa loob ng bahay.

"Binilin niya naman sakin kanina bago siya umalis na may pupuntahan daw kayo mamayang gabi."

Nagliwanag ang muka ko.

Akala ko kasi, umalis nanaman siya ng walang pasabi gaya ng ginawa niya kagabi.

Ng lumabas siya sa kwarto ay laking pang hihinayang ko, ewan pero nang hinayang ako dahil di siguro natuloy.

Humiga ako sa kama at nag takip ng muka gamit ang unan.

Nang gumabi na ay lumabas na ako ng kwarto para magluto ng hapunan.

Natapos na kong magluto at hinanap ko ang asawa ko para kumain na ng hapunan.

Pero wala siya sa buong kabahayan.

Tinakpan ko ang Ulam na niluto ko at naupo sa sala para manuod ng T.v.

Napasarap ang panunuod ko kaya di ko namalayan ang oras.

Tumingin ako sa malaking orasan. Alas diyes na ng gabi pero wala pa siya.

sa kahihintay ko di ko namalayan na nakatulog na ko.

Nagising ako bigla ng di ko alam kung bakit.

Tumingin ulit ako sa orasan ala una na ng madaling araw.

Nag aalala na ko. Wala naman akong kilala kahit na isa sa mga kaibigan niya dahil wala naman siyang ipinapakilala sakin.

Pumasok na lamang ako sa kwarto at doon ipinag patuloy ang pagtulog.

.

Nakaramdam ako ng maliliit na halik sa balikat ko.

Napa bangon ako ng makita si Zach na nakahiga na sa tabi ko.

Naamoy ko ang alak sakanya na mas lalong nag painit ng katawan ko,pinigilan ko iyon kasi baka mapahiya nanaman ako.

Pumikit ako ulit at itinigil na niya ang paghalik sakin.

humarap ako sa kanya at hinaplos ang maamong muka niya na mahimbing sa pagkakatulog.

"I love you Zach."

bulong ko.

"I love you too.... Katherina."
napangiti ako sa sagot niya.

Kahit na alam kona lasing at tulog siya, ang mahalaga narinig ko mula sakanya na mahal niya ko.

.

Nag palit ako ng damit pambahay at bumaba para tulungan na maglinis ng bahay si Manang.

ng matapos na ko ay yung pool naman ang nilinisan ko. Tinanggal ko yung nilipad na dahon sa pool.

at ang huli kong nilinisan ay ang hardin, winalis ko ang mga dahon na nag sipag laglagan, tsaka ko sila diniligan. Ng matapos na ko ay pumitas ako ng Rosas at inilagay sa Vase, na nasa Center table sa sala at Dinning room.
.

Mabilis lumipas ang oras, di ko namalayan na Hapon na pala, napag pasyahan kong magbabad ng maligamgam na tubig sa Bathtub.

isinandal ko ang ulo ko doon at pumikit.

.

Nagulat ako ng biglang sumara ang pinto ng banyo. Gaano na ba ko katagal na nakahiga dito?

Mabilis akong tumayo at naligo.

Lumabas ako ng banyo na twalya lamang ang nakatabing sa katawan ko.

Nakita ko ang Ilang paper bag na naka patong sa kama.

Binuksan ko iyon at nakita ko ang ilang mga bestida at ilang pares ng mga sapatos.

Pumasok si Zach sa kwarto na naka boxer short sa kwarto at halatang bagong ligo dahil nag pupunas siya mg buhok gamit ang twalya
. Sa baba siguro siya naligo.

Nakaramdam ako ng hiya ng tignan niya ko.

"Mag ayos ka at may pupuntahan tayo."

malamig na sabi neto at pumasok sa walk in closet.

----

Pipilitin kong matapos ito agad bago mag pasukan kasi mahihirapan na kong mag UD niyan.

Thank you.

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon