Tatlong araw ko ng nararamdaman ang pag kahilo ko simula ng kumain kami ni Jasmine sa karinderya.
Pinilit kong bumangon kahit na hinihila ako ng higaan ko pabalik dito.
Kailangan kong pumasok at di ako pwedeng umabsent dahil mababawasan ang sweldo ko ng isang araw
Nilibot ng mata ko ang buong bahay at wala na si Nanay Erling, siguro nag walis na siya sa kalsada. Ang sabi ko sakanya tumigil na ito sa pag wawalis dahil delikado sa daan baka mahagip siya ng mga mabibilis na sasakyan pero ang sabi niya okay lang daw siya at wag ko na siyang alalahanin..
Ipinikit kong muli ang aking mata at minulat ulit ito, nahihilo talaga ako.
Nakaramdam ako ng gutom siguro nagugutom lang ako kaya nahihilo ako.
Pinilit kong bumangon ng makita ko ang tatlong piraso ng pandesal sa lamesa ay naduwal ako bigla kaya tumakbo ako sa labas at nag suka ng wala namang laman.
Binuhay ko ang bombahan para makakuha ng tubig at mabilis na nag mumog at nag hilamos ng muka.
Pumasok ako ng bahay at nag timpla na lamang ng kape na walang krema tinignan ko ang orasan at 7:30 na , kalahating oras na lang at malalate na ko.
Mabilis kong hinigop ang kape at dahil malalate na ko di ko na inubos iyon at iniwan na lamang sa lamesa.
Kahit na mabigat ang ulo ko ay pinilit kong mag bomba para mapuno ang timba na panligo ko at ipinunta sa banyo na nasa likod ng bahay.
Wala pang ilang minuto ng matapos akong maligo at magbihis.
Inayos ko ang sarili ko at nilagyan ng konting kolorete ang muka ko.
Habang nag lalakad ako ay nakita ko ang isang puno ng mangga na may maraming bunga.
Inakyat ko ang puno at kumuha ng tatlong bunga grabe nag lalaway na ako habang nag lalakad ako ay kinain ko ang isang mangga kahit na walang sawsawan natatakam na kasi ako eh..
Nakarating ako sa salon at salamat dahil hindi ako nalate dahil pagagalitan ako ng boss namin na bading dahil ayaw niya ng nalelate.
"Good morning!"
Bati ko sa kanilang lahat. Pag ka pasok ko at bumati din sila saakin.
Maraming costumer ang nag sisidatingan kaya malakas ang kita namin ngayon kahit wala pang kalahating araw.
May humintong itim na porsche sa harap ng salon namin kaya lahat kami ay napatingin doon.
Nagulat ako ng makita ko si Clyne na bumaba ng sasakyan.
"Uh! Jasmine cr lang ako."
Sabi ko at tumakbo papasok sa banyo.
Narinig ko ang mga kasamahan ko sa trabaho nanag bubulungan dahil sa gwapong nilalang na nasa labas.
"Good morning Sir, mag papahaircut po ba kayo."
Malanding sabi ng boss namin, rinig na rinig ko iyon sa labas.
"Im looking for Katherina Ramos."
Nagulat ako ng sinabi nyang hinahanap niya ako.
"Sorry Sir pero walang Katherina Ramos dito."
Dismayadong sabi ng Boss namin.
Lumuwag ang pag hinga ko ng marinig ko ang glass door na tumunog.
"Di naman pala mag papagupit, sino naman yung Katherina Ramos na yon? Sigurado ako na di hamak na mas maganda ako don."
Inis na sabi ng boss namin.
----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...