FFY 38

1.7K 43 1
                                    

Nag aayos ako ng gamit ko sa maliit na papag. Maliit lang kasi ang kubo kaya iisa ang kusina sala at kainan maging sa tuluga.

Dalawa ang papag ng bahay kaya tag isa kami ni Nanay Erling.

Natutulog si Nanay erling at ako naman ay inaayos sa maliit na karton ang mga damit ko.

Nakita ko ang picture frame namin ni Zach.

Pinag masdan ko ito ng matagal.

"Sana masaya ka ngayon sa piling ni Jasmine...
Kung saan ka masaya dun na din ako kasi mahal kita.."

Naramdaman kong pumatak ang mga luha ko.

Hinalikan ko ang picture namin at niyakap ito ng mariin.

"Mahal na mahal kita Zach."
Bulong ko sa hangin.

.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko mag aalas onse na.

Nakaramdam ako ng gutom di pala ako nag agahan.

Inilapag ko ang picture namin sa higaan ko at kumuha ng pera para bumili ng ulam sa labas, mag bigas naman kasi dito na nakalagay sa isang timba na may takip.

Lumabas ako ng bahay para mag hanap ng tindahan, agad din naman akong nakahanap ng tindahan.

"Pabili po."

Tawag ko .

"Lumabas ang isang babae na hindi naman ganon katanda."

"Ano yon?"
Mataray nitong sabi.

"Isang sardinas nga po."

Iniabot niya sakin ang lata ng sardinas at minumukaan ako.

"Bago ka dito ineng?"

Tanong niya.

Tumango ako sakanya.
At iniabot ang bayad ko.

"Kaya pala eh, bago ang muka mo dito."

Sabi neto at iniabot ang sukli ko.

Ng makarating ako sa bahay ay nakita ko si nanay Erling na nagluluto na ng kanin.

"Bakit po kayo bumangon Nanay, ako na po bahala jan."

Sabi ko sakanya.

"Naku ako na ang magluluto baka di mo sanay lalo na't asawa ka pala ng sikat na businessman."

Nalungkot ako sa sinabi ni Nanay Erling.

"Ako na po nanay kaya ko naman po sanay po akong mag luto, tsaka kahit ito nalang po ang maibayad ko sa pag tira ko po dito sa inyo."

Sabi ko kanya kaya inalalayan kong umupo siya sa upuan.

"Napaka bait mo talagang bata, swerte sayo ni Mr. Mueble."

Naka ngiti nitong sabi.

Kung alam niyo lang po Nanay Erling wala po siyang paki saakin bulong ko sa isip ko.

Nginitian ko na lamang ito.

"Ayoko sanang makialam pero bakit umalis ka sa inyo?"

Tanong niya.

Binuksan ko ang delata at inilagay sa mainit na kawali at nag simulang haluin.

"N-nag hiwalay na po kami."

Nag basa ang sulok ng mata ko.

"Pasensya na anak ahh."

Paumanhin neto.

"Ayos lang po iyon."

Magalang kong tugon.

"Pero alam ko na mahal mo siya, kasi narinig kitang kausap mo ang litrato niyo kanina."

Binuksan ko ang kumukulong sinaing at tinakpan ulit.

"Opo, mahal na mahal ko po siya."

Pag aamin ko dahil iyon naman ang totoo.

"Osya, di na kita tatanungin pa personal yan eh."

Sabi neto at inandal anv dalawang paa na nasa bangko.

.

Walang ginawa mag hapon dito s bahay na tinutuluyan ko, nilibot ko nalang ang buong bakuran, salikod nito ay may maliit na hardin at mag malaking puno ng acacia na mag nakasabit na duyan..

Nag iisang bahay lang ito na nakatirik malayo sa maraming kabahayan.

Naalala ko ang bahay namin ni Zach parang ganito din, nakakamiss talaga. Kamusta na kaya siya ngayon? Mag kasama na kaya sila ni Jasmine na nakatira doon?

Umiling ako at pumikit.

Humiga ako sa duyan at tinignan ang mga ulap at ibon na mayalang lumulipad.

Dumampi din saakin ang masarap na simoy ng hangin.

Naalala ko ng probinsya namin.

---

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon