Matapos kong ilabas lahat ng patong patong na bigat sa dibdib ko ay nakahinga ako ng maluwag.
Nakaupo ako ngayon sa bathtub habang nililinis ang sugat ko ng tubig.
Lahat ng sakit ay hindi na ininda ang iniisip ko ngayon ay si Zach.
Nasaan na nga kaya siya ngayon?
Ipinikit ko ang mata ko.
Nasaktan na ko noon kay Michael,ayoko ng masaktan muli kay Zach.
Sabi nga nila walang mananalo kung walang mag papakumbaba.
Oo may kasalanan ako kaya dapat ako ang mag pakumbaba samin.
Mabilis kong nilinis ang sugat ko,kasabay din non ay naligo na ko.
Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa bedside table.
Naalala ko sila nanay, di pala ako nakapag paalam sakanila, wala naman kasi silang Cellphone, dibale sa susunod na balik ko ay bibilhan ko sila ng Cellphone para matawagan at makamusta ko sila.
Hindi na ko bumaba para kumain dahil di naman ako nagugutom.
Nakatingin lang ako sa kisame.
Naramdaman ko ang pag nagsak mg talukap ng mata ko at naka tulog na ako.Nagising ako ugong ng sasakyan na narinig ko.
Sumilip ako sa balkonahe ng bahay at nakita ko si Zach na susuray suray mag lakad.
Agad akong bumaba para alalayan siya.
"Zach!"
Sabi ko dahil natumba siya.
Itinayo ko siya at iniakbay ko ang kamay niya sa balikat ko para maalalayan ko siya ng maayos.
Naglakad kami patungo sa hagdan.
Grabe ang bigat niya.
Muntik pa kaming malalag sa hagdan pero maagap ako kaya nakaakyat kami agad.
Inihiga ko siya sa kama, tinanggal ko ang sapatos at medyas niya.
Nag madali akong bumaba.
Nag pakulo ako ng mainit na tubig, ng kumulo iyon ay agad akong kumuha ng palanggana na maliit at nilagyan ito ng tubig na galing sa gripo at tsaka ko inilagay ang mainit na tubig napinakuluan ko kanina.
Umakyat ako sa kwarto namin at inilapag sa lamesa ang planggana na mah laman na maligamgam na tubig.
Kimuha ako ng malinis na bimpo sa damitan ko at inilagay iyon sa planggana, kinuha ko din yung alcohol na nasa harap ng tukador at hinaluan ang maligamgam na tubig.
Umupo ako sa tabi ni Zach at dahan dahan na pinunasan ang muka neto para mahimasmasan siya. Nagulat ako ng akmang mag susuka siya kaya mabilis ko siyang itinayo at inalalayan pumunta sa banyo.
Hinahagod ko ang likod niya para ilabas lahat ng laman ng tiyan niya, tumingin siya sakin, niyakap niya ako at nagulat ako ng mag suka siya sa likod ko.
Shizz, amoy suka na ako.
Lumayo siya saakin at nag lakad patungo sa higaan at nahiga ulit.
Lumapit ako sakanya para alisin ang damit niya na puro suka din, nanginginig ang kamay ko ng tanggalin ko ang damit niya.
Malamig naman dahil nakabukas ang aircon pero pinag papawisan ako.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko.
"Hindi naman kita sisilipan Zach, pupunasan lang naman kita para mahimasmasan ka."
Sabi ko kahit wala naman akong kausap.
Ng matapos ko siyang punasan at palitan ng damit at pumasok ako ng banyo para maligo ulit.
Naramdaman ko ang lamig ng tubig na umaagos sa katawa ko, hinayaan ko lang iyon at pumikit.
----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...