Halos isang buwan na kami dito sa bago naming tirahan.
Naging maayos naman ang aming pagsasama pero minsan ang lamig ng pakikitungo niya sakin.
Naisip ko nalang na siguro dala ng pagod niya galing sa trabaho kaya iniintindi ko na lamang siya.
.
Nag didilig ako ng mga halaman sa hardin. Inaalagaan ko ito ng maayos, naisip ko din kasi na baka gusto din ni Zach ng asawa na mahilig sa halaman. Si ate Trina kasi ay mahilig sa mga halaman. Alagang alaga niya yung mga bulaklak sa likod ng bahay namin. Pero nung umalis siya patungo ng Hawaii ako na ang nag alaga ng mga iyon.
Dahil dalawa lamang kami ni Manang Olga sa bahay tinutulungan ko siya sa paglilinis ng buong bahay, mejo may edad na kasi siya baka hindi nya na kayanin ang pag lilinis kahit na pa matagal na siyang namamasukan sa pamilya ng mga Mueble.
Naikwento nya sakin na pitong taong gulang pa lamang si Zach ng namasukan siya sa mga eto bilang taga pag alaga dito.
Mabait at masunurin daw na bata si Zach at hindi mahirap alagaan.
Tinanong ni Manang Olga kung kakilala ko ba si Trina Ramos dahil mag kaapelyido kami kinabahan ako sa tanong niyang iyon.
Tumango ako at sinabi na kapatid ko siya.Laking gulat neto ng malaman niya na mag kapatid kami.
Mukang wala siyang alam sa mga ngyayari.
Madalas daw kasing ikwento ni Zach si ate Trina sakanya.
Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi ni Manang pero di ko nalang ipinahalata sakanya.
Sinabi ko din ang dahilan ng pag papakasal namin ni Zach at naintindihan niya naman iyon.
Sinabi niya din sakin na hindi mag papakasal si Zach sa isang babae kung wala siya gusto dito.
Nakaramdam ako ng kilig sa sinabi nyang eto, at kahit papaano ay may mapang hahawakan ako.
Ni minsan hindi ko narinig sakanya na mahal niya ko, at di ko din naman itinatanong sakanya kasi alam ko na si Ate Trina parin ang mahal niya.
Natigilan ako sa malalim na pag iisip ng tinawag ako ni Manang.
Mabilis akong tumakbo papunta sakanya.
"Bakit po, Manang?"
tanong ko ng makalapit ako sakanya.
"Tumawag kasi si Trina kanina hinahanap ka."
tugon neto.
Simula kasi ng ikasal kami ni Zach di na siya nag paramdam samin, di ko nga din alam kung alam niya na ako ang sumalo ng kasunduan na siya dapat ang gumagawa.
----
Sarrey ngayon lang ng UD mag damang na walang kuryente dito samin.
Salamat.
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...