Hinanap ko yung kung nasan ang powder room at agad ko din naman iyong nahanap.
Ng makapasok ako ay nag hugas ako ng kamay at nag punas ng tissue.
Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin, unti unting nag landas ang mga luha ko sa muka ko. Di ko namalayan na may pumasok, yumuko ako at nag punas ng luha gamit ang tissue.
Ng iniangat ko ang muka ko nakita ko si Jasmine na naka tingin sakin sa salamin.
"How long did you know each other?"
tanong niya sakin.
"Kababata namin siya ng Ate Trina."
matatag kong sabi.
tumaas ang isang kilay niya.
"Alam mo naman siguro kung san ka lulugar diba?"
kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What I mean is, He is my boyfriend."
Halos buhusan ako ng malamig na tubig.
di ako nakapag salita sa sinabi niya.
"5 years na naging kami, and nag propose siya sakin bago ako umalis ng bansa kasi may naiwan akong trabaho sa New York at tinapos ko lang ang kontrata ko and now Im back and....Nag plaplano kami sa nalalapit naming kasal."
mahaba netong lintaya.
Di ko sinabing ikwento niya ang buhay niya sakin. Di ba niya alam na kasal na si Zach at ako ang asawa niya.
Ay oo nga pala pakilala sakin ni Zach kaibigan, nakakababa.
"Anong gusto mong gawin ko?"
Tanong ko sakanya at di ko pinahalata ang pagka inis ko."Lumayo ka sa fiance ko."
mahina pero parang ang lakas ng dating non sakin kasi may pag didiin."At bakit ko naman gagawin yon?"
Dahil sa inis ko sa babaeng ito,malalaman niya ang ugali ko.
"Kasi iyon ang sinabi ko."
sabi meto at nag taas pa ng kilay.
"Pasensya kana ah, pero di ko magagawang layuan siya."
sabi ko at lumabas na ng powder room.
Totoo kaya lahat ng sinabi niya sakin?
Kailangan ko munang tiisin ang luha ko para hindi tumulo, hanggang sa matapos ang party.
Bumalik ako sa Table namin pero wala na si Zach doon, yung tatlo niya lang na kaibigan ang nandon.
Ng umupo ako ay hinanap ng mata ko si Zach pero di ko siya nakita.
"Hinahanap mo ba si Zach?"
tanong nung Maki.
"Uh! o-oo."
mahina kong sabi.
"Kanina pa kasi siya umalis kasama si Jasmine, ewan ko kung san sila nag punta."
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Uh! g-ganon ba."
sabi ko nalang, hihintayin ko nalang siya dito.
Ilang oras na ang nakalipas pero wala padin si Zach.
Tinignan ko ang cellphone ko, 1:00 am na,at konti nalang ang mga tao dahil tapos naman na ang party.
Napag pasyahan kong hanapin si Madam Zoila para ibigay yung regalo sakanya ni Zach at nahanap ko din naman siya agad, nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya.
"Katherina."
Tawag niya sakin.Nahiya akong lumapit sakanya.
"How are you hija, tagal kitang di nakita ah, kamusta si Ruben at Marina?"
Tanong niya sakin.
"A-ayos lang naman po sila... Uhm Happy Birthday po."
bati ko sakanya at iniabot yung Green box sakanya.
"Pinabibigay po ni Zach."
pahabol ko.Nakangiti niya itong kinuha.
"Nga pala, this is Katherina my daughter in law."
pakilala niya sakin sa mga amiga niya. Nag papasalamat ako dahil hindi sila Matapobre gaya ng ibang mayayaman.
Ngumiti ako at yumuko.
"She's beautiful Zoila, magaling talaga pumili si Noel."
sabi ng isa sa mga kaibigan niya.
Buti pa si Madam Zoila hindi niya ako kinahihiya di gaya ni Zach.
Nakaramdam nanaman ako ng kirot ng maalalang mag kasama sila ni Jasmine, ano nga kayang ginagawa nila ngayon. Ipinikit ko ang mata ko sa naisip ko.
Ng matapos niya akong ipakilala sa ilan sa mga Kaibigan niya ay nag paalam na ako na uuwi na, dahil wala naman na si Zach.
-----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...