FFY 24

1.5K 45 3
                                    

Nakaupo padin ako sa malaking bato at malapit ng lumubog ang araw.

Kabilis ng araw, bukas uuwi na ko.

"Kath!"

Napalingon ako sa nag salita at eto nanaman ang pag sikip ng puso ko.

Tumayo ako at akmang aalis ng hawaka niya ang kamay ko.

"Mag usap naman tayo."

Nilingon ko siya, bakas sa mga mata nito ang pag mamakaawa.

Siguro eto nadin ang oras para makapag usap kami at maisarado na namin ang dapat na isarado sa pagitan namin.

"Sige."

Sabi ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Mahal na mahal kita Kath."

Sabi neto habang nakatingin sa lumalagaslas na tubig.

"At sobrang tanga ko ng sinunod ko si Zach... Ang tanga ko, napaka laki kong gago."

Kumuha siya ng maliit na bato at ibinato iyon sa tubig.

Anong kinalaman ni Zach.

"Wag mong sisihin ang ibang tao sa pag pang iwan mo sakin."

Tumingin siya sakin at mapait na ngumiti.

Kumuha ulit siya ng maliit na bato at muling ibinato iyon.

Ganyan siya kapag galit ibinubuhos niya ang galit neto sa bato.

"Hindi kita iniwan Kath....maniwala ka sakin, pumunta ako sa tagpuan natin..

Bakas sa boses neto ang panginginig.

...pumunta ako ng gabing iyon, nakita kita na nakaupo sa madilim na parte ng estasyon ng bus....

Habang nag lalakad si Michael ay nakita neto si Katherina na nakaupo may dala ito na malaking bag. Napangiti siya ng makita ang dalaga, di pa neto alam kung saang lugar sila pupunta ngunit handa siyang kalabanin ang mundo para lang makasama ang babaeng pinakamamahal niya.

Lalapit na sana siya ng bigla siyang hilain ng dalawang maton na lalaki.

"Bitawan niyo ko!"

Palag niya.

"Sumama ka nalang samin para hindi kana masaktan."

Nagpumiglas pa ito ngunit di niya kinaya.

"Tang ina, nag hihintay sakin ang mahal ko. Nag mamakaawa ako sa inyo, pakwalan niyo na ko."

Sinubukan neto ulit na pumalag.

"KATHERINA!!!!! MAHAL KO ANDITO AKO!!!!"

Sigaw nito habang nasa loob ng itim na Van, kahit na alam netong hindi siya maririnig ng dalaga ay nag babakasakali siya.

Ngunit isang malakas na suntok ang tumama sa ulo neto at nawalan ng malay.

Nagising si Michael ng may magbuhos sakanya ng tubig.

"Sino kayo,anong ginawa niyo sakin? Si Katherina nasaan siya?"

Sigaw ng binata.

"Yung mahal mo? Ayon ikinasal na siya sa boss namin."

Napaluha ako.
Mukang alam ko na kung sino ang gumawa neto sakin.

Si Zach...

Gago ka Zach humanda ka sakin.
Matitikman mo ang pag hihiganti ko.

Para to sa pang agaw mo sa mahal ko.

Babalikan kita Zach...

At sisiguraduhin ko na babalik sakin si Katherina...

----

Oh ayan na sino mas gusto niyo si Zach o si Michael?

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon