FFY 35

1.6K 43 1
                                    

Bago ako umuwi ng bahay ay naglakad lakad na muna ako, dahil wala naman akong gagawin don at mag isa ko lang apat na araw kasi si Manang na mawawala para daw maalagaan niya ang kapatid niya na may sakit.

Napadaan ako sa isang mall at naisipan ko na mag window shopping. Dahil wala naman akong pambili tingin tingin muna.

May namataan akong matangkad na babae na tumitingin din ng mga damit sa Get laud.

Tumingin din siya sakin at ngumiti, nag iwas ako ng tingin.

"What are you doing here?"

Halos mapalundag ako sa gulat.

Nilingon ko siya, si Jasmine.

"Uh! Wala tumitingin lang."

Sabi ko at lumayo sakanya.

"May balak ka bang bumili?"

Ang yabang naman ng babaeng to.

"Hmm. Wala tumitingin lang ako."

Nakita ko siyang nag smirk.

Porque mayaman ang yabang na.

"How's Zach?"

Tinignan ko siya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Diba ikakasal na kayo?"

Sarkastiko kong tanong.

"Yes, and here. This is our invitation, I hope you can come. My Fiancé's soon to be ex-wife."

Tinignan ko ang hawak niyang invitation, parang may tumurok na punyal sa dibdib ko.

Lalakasan ko ang loob ko para hindi ako maging mahina sa harap nya.

"Bakit? Mag fafile na ba siya ng annulment namin?"

Kunwaring tanong ko.

"Why? You don't know? Oh my God! Si Zach talaga ayaw kang biglain, actually nasa bahay niyo na siya at hawak na ang Annulment paper niyo.."

Sabi neto at tumawa ng malakas.

"At sa tingin mo pipirmahan ko iyon?... Manigas ka!"

Sabi ko at tumalikod sakanya.

"You bitch!"

Sigaw niya.

"It's better to be bitch, than to be a mistress."

Ganti ko sakanya.

.

Heto nanaman ako umiiyak ng mag isa, dahil ayokong malungkot di muna ako umuwi sa bahay dahil mag isa lang ako doon at walang kasama.

Nandito ako sa park kung saan maraming bata ang nag lalaro.
Nakaupo ako sa duyan at pinapanuod ang mga batang nag tatakbuhan.

Nakakamiss din pala maging bata.

Dati sugat at palo lang ng magulang ang masakit, pero ngayon puso na, hindi man piskal pero mas masakit kapag emosyonal.

Tama nga ang nasa isip ko.
May balak ng makipag hiwalay saakin si Zach, sana nung una palang ay sinabi niya na.

Sana hindi na ko umasa na mamahalin niya at pinigilan ko sana ang puso ko na mahulog sakanya.

Ang hirap pala ng ganeto, yung wala kang kaibigan na dadamayan ka.

Naalala ko si ate kamusta na kaya siya? Ilang buwan na siyang hindi nag paparamdam saamin.

Buti pa siya masaya sya sa asawa niya dahil mahal na mahal siya neto, samantalang ako heto inuubos ang luha ko sa asawa kong wala namang pakialam saakin.

Umaasa padin ako na sana isanv araw makita ni Zach ang presensya ko.

Sana maramdaman niya na mahal na mahal ko siya at di ko siya susukuan.

Gagawin ko ang lahat para lang magkalapit kami ulit.

Mas okay pa ata noon na wala kaming espesyal na relasyon kasi ang bait niya, ang sweet at maalalahanin.

Napaiyak nanaman ako sa isiping hindi na niya talaga ako maagawang mahalin.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon