Kinaumagahan....
Di ako lumabas ng kwarto para mag almusal, wala kasi akong gana.
Nakarinig ako ng katok sa pinto ng aking kwarto.
Bumukas iyon at iniluwa si Nanay.
"Hindi kaba papasok anak? tanghali na di ka pa nakakabihis."
tanong ni Nanay.
"Hindi muna Nay, gusto ko munang mag pahinga."
tugon ko.
"May problema ka ba anak?"
napa buntong hininga ako.
ayaw kong isipin din ni Nanay ang problema ko.
Una masakit ang ngyari kaninang madaling araw, pangalawa di ako handang pakasalan si Zach napakabilis ng preperasyon ang sinabi nya para sa nalalapit naming kasal, kung hindi ko lang Mahal ang nanay at tatay di ko gagawin to, para narin eto sa bukid namin.
"Osige anak, iwan muna kita pero wag kang mag kukulong dito sa kwarto habang buhay ah"
biro ni Nanay.
napangiti ako kahit kaunti.
"Nay, naman."
natatawa kong sabi.
"Osiya, mamaya pala hatidan mo ng pagkain ang iyong Tatay sa bukid."
sabi neto at tuluyang lumabas ng silid.
.
Ng maihatid ko na ang tanghalian ni Tatay sa bukid, dumaan ako sa kabilang bukid kung nasaan Nag sasaka sila Michael, pero wala akong nakitang Michael doon.
Nakasalubong ko ang pinsan niya.
"Mario!"
tawag ko.
"Oh Kateng. Lalo ata tayong gumaganda ah..."
biro niya.
sabi ng marami, di daw hadlang ang Morena kong kulay dahil bumagay daw sakin iyon.
"Nakita mo ba si M-michael?"
tanong ko.
"Kahapon nakita ko siyang nag eempake, sabi niya aalis daw kayo, pero teka bakit andito ka.?"
nagulat ako sa sinabi niya.
"P-pero hindi siya sumipot sa tag-tagpuan namin, at may nag s-sabi sakin na meron daw siyang i-iba at b-buntis daw iyon."
naluluha kong sabi.
"Naku! hindi totoo yan, mahal na mahal ka ng pinsan ko."
Naglakad ako palayo sakanya habang umiiyak.
Nasan na si Michael?
kung di totoo yon bakit sinabi ni Zach sakin iyon?
Di ko alam kung san ako patungo pero nakita ko ang sarili ko na naglalakad papunta sa mansyon ng Mueble.
Dahil sa sobrang galit ko.
kinalampag ko ang Gate.
"ZACH! LUMABAS KA DIYAN!"
sigaw ko.
"LUMABAS KA ZACH MAG USAP TAYO!!!"
patuloy kong sigaw habang kinakalampag ang gate.
lumabas si Nanay Lolit.
"Bakit ka nag iingay jan sa labas?"
tanong niya.
"Nasan si Zach Nay, mag uusap kami.!"
sabi ko habang umiiyak.
"May bisita kasi si siya Kateng umuwi kana muna."
sabi neto at isinardo ang Gate.
"Zach kausapin mo ako.!"
halos pabulong kong sabi.
Naglakad ako palayo sa Mansyon.
Hilam ang luha sa muka ko.
kahit na mainit di ko iyon pinansin.
basta ang nasa isip ko lang ay si Michael.
San na nga kaya si Michael, nasan na ang mahal ko.
Lalo akong napaluha.
Namimiss ko na siya.
Nasan kana Mahal ko....
---
Naiiyak na ko dito, pramis.
T_T
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...