FFY 36

1.6K 46 2
                                    

Di ko namalayan ang oras, gabi na pala.

Napag pasyahan kong umuwi na ng bahay dahil baka maabutan ni Zach ang bahay na walang tao lalo na't di niya alam na umalis si manang, kasi hindu siya umuwi kagabi kaya di ko nasabi.

.

Binuksan ko ang gate at madilim padin ang buong kabahayan maliban sa ilaw na nasa likod dahil automatic iyon.

Ilulusot ko palamang ang susi sa sedura ng pinto ng mapansin kong naka bukas iyon.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa isiping baka nilooban kami ng magnanakaw.

Binuksan ko ang pinto at kinapa ang sindihan ng ilaw.

Laking gulat ko ng makita ang basag basag na gamit na nagkalat sa sahig.

Nilibot ng mata ko ang buong bahay at nakita ko si Zach na nakaupo sa pangatlong baytang ng hagdan at nakatungo ito habang sapo ang ulo.

Lumapit ako sakanya.

"Z-zach!"

Mahina kong sabi at hinaplos ang ulo niya.

Nagulat ako ng tinampay niya ang kamay ko at tumingin sakin ng madilim.

"San ka galing!"

Mahina niyang sabi.

Di ko alam kung anong sasabihin ko, di ko naman pwedeng sabigin na nagkita kami ni Michael.

"SABI KO SAAN KA NG GALING!"

Napaurong ako sa sigaw niya.

Tumayo siya at hinablot ang kamay ko.

"HINDI KA MAG SASALITA!!"

Napaluha ako dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko.

"L-lumabas lang ako."

Nanginginig kong sabi.

"LUMABAS? SINONG KASAMA MO? YUNG EX MO! FUCK KATHERINA, NAKAKA GAGO NA!"

"M-may ibinigay lang ako s-sakanya."

Mahina kong sabi.

"ANONG IBINIGAY MO? YUNG PERA KO! BAKIT WALA BA SIYANG PERA AT HINUHUTHUTAN KA NIYA? DI KA LANG PALA MANALDI MAG NANAKAW KA DIN!"

Nasaktan ako sa sinabi niya. Di ko akalain na masasabi niya saakin ang ganoong bagay.

"Zach please pakinggan mo ko."

Umiiyak kong sabi.

"KAYA KA BA PUMAYAG NA MAG PAKASAL SAKIN AH!!...PARA HUTHUTAN DIN AKO AT MAY MAIBIGAY KA SA LALAKI MO?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at napahiyaw ako sa sobrang riin neto

"N-nasasaktan ako!"

Daing ko.

"MAS MASASAKTAN KA KUNG HINDI MO AAMININ KUNG ANONG NAMAMAGITAN SA INYO."

"Wala kaming r-relasyon, maniwala ka Z-zach, sorry kung d-di ko sinabi sayo na mag k-kikita kami d-dahil alam kong m-magagalit ka."

Umiiyak kong sabi.

Binitiwan niya ko at tumalikod.

Nag mura siya ng malakas dahil sa galit.

"FUCK! MAS GUSTO MO PANG MAG SINUNGALING SAAKIN KESA MAG SABU NG TOTOO? NAKAKA GAGO KA NA KATHERINA, ALAM MO NAMANG AYAW KO NA NAKIKIPAG KITA KA SA LALAKING IYON HINDI BA? PERO ANO NAKIPAG KITA KA PADIN!!!!"

Bumuntong hininga ako.

"Bakit ako hindi pwedeng mag sinungaling, pero ikaw pwede. Di ako pwedeng makipag kita sa iba kahit wala naman kaming ginagawa pero ikaw pwede at may ngyayari pa sainyo. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama, yang isip mo lang ang marumi, lahat ng bagay nilalagyan mo ng kahulugan kahit hindi naman dapat. Pero ni minsan ba narinig mo kong nag reklamo,  hindi diba? Kahit na harap harapan mo na kong niloloko hindi ko nagawang mamuhi sayo kasi mahal kita."

Mahaba kong lintaya habang umiiyak.

Nagulat ako ng sinampal niya ko. Dahilan kaya napa upo ako sa sahig.

"SINONG NAG SABI SAYO NA SAGUTSAGUTIN MO KO AH!"

Di ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon basta masakit na ang puso ko hindi ko na kaya.

"Siguro nga tama si Jasmine, kailangan na kitang hiwalayan dahil wala kang kwenta."

Sabi neto at tumalikod.

Nakaupo padin ako sa sahig at niyakap ang sarili.

Maya maya nakita ko itong may dalang bag at inihagis ito sa harap ko.

"Lumayas ka dito!"

Sabi neto.

"Zach please wag mong gawin sakin to maniwala ka sakin mahal na mahal kita."

Pag mamakaawa ko.

May hinagis itong papel sa harap ko.

"Bago ako bumalik dapat wala kana dito."

Lumabas na ito ng bahay at pinaandar ang sasakyan.

Binuksan ko ang folder na hawak ko at lalo akong napaluha dahil annulment paper namin iyon.

Ito nga talaga siguro ang gusto niya.

Ang mag hiwalay kami.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon