FFY 26

1.6K 48 2
                                    

"Zach!"

Mahina kong sabi sakanya ng makarating kami sa bahay namin.

Nilagpasan niya lang ako at tumuloy sa loob.

"Please pakingan mo ako, mahal na mahal kita."

Nilingon niya ako.

"Mahal? That's bullshit Katherina!"

Mahina niyang sabi.

Nakita ko si Manang na lumabas galing sa kusina.

"Please, pakinggan mo naman ako. Tinapos ko na ang lahat saami-"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya kinuha ang vase na nasa center table at binato ito sa pader.

"FUCK! SA TINGIN MO MANINIWALA AKO SAYO? NAKAKAGAGO LANG KATHERINA! MATAPOS KO KAYONG MAKITA NA MAGKAYAP? TAPOS SASABIHIN MO NA PANIWALAAN KITA!!! TANG INA!!!"

sigaw niya sakin.

Napaluha ako di ko alam kung anong gagawin ko.

"Hayaan mo muna akong mag paliwanag."

Mahinahon kong sabi.

"I DON'T NEED YOUR FUCK'N EXPLANATION! ANG LANDI MO! MAY ASAWA KA NA NAKIKIPAG LANDIAN KA PA SA EX MO. TELL ME,NAG SEX BA KAYO? KAYO BA ULIT? FUCK! DI BUMALIK KANA SA KANYA!!"

Sigaw niya sakin

Pumikit ako ng mariin.

"Please. Magpapaliwanag ako pakinggan mo ko."

Nanginginig kong sabi.

"SHIT KATHERINA, GET OUT OF HERE! GET OUT OF MY FUCKIN LIFE!"

Tumalikod na siya at nag tungo muli sa sasakyan niya.

Hinabol ko siya.

"Hindi... Hindi ako aalis dito..."

Hingal kong sabi.

Sumakay siya sa kotse at pinagana ang makina neto.

Humarang ako sa harap ng sasakyan niya.

"Zach....please.. Mahirap b-bang pakinggan ang p-paliwanag ko?"

Sabi ko habang nakaharang sa harap niya.

Bumusina siya ng malakas, halos mabingi ako sa ginawa niya dahilan kaya napaalis ako sa harap ng sasakyan.

Nag madali siyang nag maneho.

Hinabol ko siya, tumakbo ako hanggat kaya ko, hindi ako tumigil.

"ZACH!"

sigaw ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.

"Zach... Mahal na mahal kita."

Halos pabulong kong sabi..

Patuloy parin ako sa pag takbo at di ko napansin ang bato dahilan kaya natisod ako.

Nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang sakit ng tuhod ko.

Nakita ko ang braso ko na may sugat pati na ang noo ko na may gasgas.

Umupo ako sa tabi upang ipahinga ang sarili ko.

Halos mawalan ako ng hininga ng indian ko ang sugat ko, mas lalong hindi ko kakayanin ang sakit paginiwan ako muli ng taong mahal ko.

.

Nakarating ako sa bahay ng di ko napansin.

Lumapit saakin si Manang at hinawakan ang muka ko.

"Jusko kang bata ka anong ngyari sayo.?"

Umiling lang ako at pumasok na sa loob. Malinis na ang sala, wala na ang mga basag na gamit.

Umupo ako sa sahig at sinandal ang aking ulo sa upuan.

Niyakap ko ang sarili ko.

Hindi ko siya susukuan, hindi ko pa nasabi sakanya na mahal lo siya.

Nakaramdam ako ng marahang pag haplos sa ulo ko, nakita ko si manang.

Yumakap ako sakanya, namimiss ko si nanay, pati si tatay.

"Iiyak mo lang iyan anak... Mas madaling mag hilom ang sugat kung ilalabas mo ito."

Umiyak ako habang yakap si Manang.

"B-bakit po ganon? Mahirap po ba pakinggan ang paliwanag ko...mahirap po ba akong mahalin?? Lahat naman pi ginagawa ko...mahal ko po si Zach, mahal na mahal ko siya...wala naman po akong ginagawang masama..."

Umiiyak kong sabi.

"Anak, alam mo wala akong karapatan na husgaan ka dahil wala akong alam sa mga ngyayari, pero handa akong aluin ka sa panahon na kailangan mo ng kaagapay."

Ngumiti ako ng mapait at tumingin sakanya.

"S-si Michael.... Siya ang aking kasintahan Manang... Mahal ko siya noon. Magtatanan sana kami bago kami ikasal ni Zach dahil pinilit lamang ako nito, ng mga panahong iyon si Michael lang ang mahal ko, hindi siya sumipot sa tagpuan namin,dahil hinarangan kami ni Zach, sinira niya angtaong mahal ko sakin, pinadukot niya si Michael hanggang sa matapos ang aming kasal,sobrang sakit dito.

Sabay turo ko sa aking puso.

... Pero, sa konting panahon na nag kasama kami ni Zach nahulog ako sakanya ng hindi ko namamalayan... Hindi po siya mahirap mahalin manang, dahil bata pa lamang ako mag lihim na akong pag tingin sakanya... Di ko po alam kung ganon di siya sakin, pero ayos lang na hindi niya ko mahalin.... Hindi ko sya susukuan kahit anong mangyari kasi....mahal ko siya, pero ng makita niya kaming magkayakap ni Michael di ko alam ang gagawin ko,niyakap niya ko dahil tanggap niya na, na tapos na ang lahat saamin, iyon ang hiling niya ang huling yakap dahil hindi na ulit mang yayari iyon saamin.."

Tumango si nanay sakin.

"Naiintindihan ko anak,naniniwala ako sayo."

Sabi neto at niyakap ako ulit.

Laking pasasalamat ko dahil, may napag sabihan ako ng nararamdaman ko, para na kasing gustong sumabog ng puso ko.

Sana andito si ate Trina.

-----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon