Pikit mata kong pinirmahan ang annulment paper namin ni Zach.
Ito ang gusto niya kaya ibibigay ko iyon para lang maging masaya siya.
Mahal ko siya, mahal na mahal kaya kung anong mas ikakasaya niya dun nalang siya, alam ko naman na malungkot siya sa piling ko dahil hindi ko naman siya mahal.
Inilapag ko sa lamesa yung folder at nilinis muna lahat ng kalat.
Ng matapos na ako ay kinuha ko ang mga gamit ko na inilagay ni Zach sa maleta.Nakita ko ang picture namin nung kasal namin na nakalagay sa devider.
Ako lang ang naka ngiti dito at siya naman ay madilim ang muka.
Bumuntong hininga ako at kinuha iyo para ilagay sa loob ng maleta.
.
Di ko alam kung saan ako pupunta ayokong umuwi sa probinsya namin dahil ayokong mag alala sila nanay saakin.
Napadaan ako sa bakery at nakita ko ang masasarap na tinapay, nakaramdam ako ng gutom.
Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko, tatlong daan na lang ang pera ko.
Pumasok ako sa loob ng bakery at bumili ng dalawang klase ng tinapay at tubig.
Nagugutom talaga ako.
Umupo ako sa labas ng bakery at inilapag ang maleta ko sa tabi ko at nag simula ng kumain.Ng matapos akong kumain ay nagsimula na kong naglakad muli.
Di ko alam kung nasaan na ko dahil di ko memorize ang lugar dito. Malayo layo na din ang nalakad ko tinignan ko oras sa cellphone ko 10pm na.Nakakita ako ng karton sa basurahan at kinuha iyon.
Nag hanap ako ng matutulugan buti nalang merong isang matandang babae ang nakita ko na nakatulog sa gilid ng kalye kaya inilatag ko doon ang karton na napulot ko kanina at natulog na.
Nagising ako sa mga sasakyan na mabilis ang takbo at mga taong nag lalakad.
Bumangon ako mula sa pag kakahiga.
Itinupi ko ang karton na ginamit ko at nag simula ng mag lakad lakad ulit.
Habang nag lalakad ako ay nakita ko ang isang matandang babae na nakaupo sa gilid ng kalsada at may hawak na walis.
Taga walis siguro siya ng kalsada.
Nilapitan ko siya dahil halata sa muka nito ang pagod.
"Nanay okay lang po ba kayo?"
Nag aalala kong tanong.
"Oo anak."
Sabi neto.
"Naku, mukang di po kayo okay nanay, saan po ang bahay niyo ihahatid ko po kayo."
Prisinta ko.
Agad akong pumara ng tricycle at sinabi sakanya ang lugar kung saan nakatira ang matanda.
Bumaba kami ng tricycle at bumungad saamin ang isang bahay kubo na nakatirik malapit sa bukid, mejo malayo ito sa bayan.
Binuksan ko anv pinto at pinahiga siya sa sirang upuan na gawa sa kahoy.
Kumuha ako ng tubig at iniabot sakanya.
"S-salamat sa kabutihan mo anak."
Sabi nito at ngumiti.
"Mag isa lang po kayo dito?"
Taka kong tanong dahil walang tao dito sa bahay at halatng iisa lang ang nakatira dito.
"Oo mag isa ko lang."
Sabi neto.
Nakaramdam ako ng awa dahil mag isa lang siyang na
mumuhay lalo nat matanda na siya."Ikaw ba saan ang gawi mo at may dala kang maleta."
Nag bago ang ekspresyon mg muka ko at malungkot na umiling.
"Bakit anak, di mo alam kung saan ka pupunta?"
Taka din niyang tanong.
"Opo, di ko po alam kung nasaan ako at wala po akong alam na pupuntahan."
Pag amin ko.
"Naku! Eh san ka ba galing?"
Tanong niya at sinabi ko naman kung saan.
"Tatlong bayan ang layo nito sa pinang galingan mo... Mabuti oa eh, dito ka na tumuloy wala naman akong kasama."
Nag liwanag ang muka ko sa paanyaya neto.
"Nakakahiya po ata."
Nahihiya kong tanong.
"Naku ikaw talgang bata ka, may mabuti kang naitulong saakin, mabuti pa at samahan mo nalang ako dito."
Ngumiti ako sakanya at nag pasalamat.
Siguro pansamantala nalang muna akong titira dito hanggang sa makahanap ako ng trabaho.
----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...