FFY 33

1.7K 41 2
                                    

Ng makaalis si Zach ay agad kong pinuntahan si Michael sa Hardin.

Nakaupo ito sa fountain na naka tayo sa gitna ng hardin.

"Makakaalis kana."

Sabi ko at tumalikod na.

"Mag usap muna tayo."

Pangungulit niya.

"Ano bang problema mo? Nakita mo na nga na ayaw kitang makausap at makita pero nandito ka padin nangungulit. Tantanan mo na ko Michael, akala ko ba nag kaintindihan na tayo. Umalis ka na dito bago kapa makita ng asawa ko dito."

Sabiko at umalis na sa hardin.

.

Nakaupo ako sa gilid ng kama habang binubuksan ang sulat ni Tatay para saakin.

Anak,

Sumulat ako para kamustahin ka. Nag aalala kasi kami ng Nanay mo sayo simula ng umalis ka. Lalo na ng makita ko si Zach na galit na galit dahil hindi ka nag paalam sakanya.
Dahil wala naman kaming telepono ay hindi ka namin makamusta, wag mo sanang bibigyan ng sakit sa ulo ang asawa mo mahal na mahal ka non, kitang kita ko sa mata niya ng sinabi niyang umalis ka dahil puno ito ng pag aalala.

Nga pala anak, nahihiya akong sabihin sainyo tong mag asawa pero kakapalan ko na ang muka ko.

Hihiram sana ako ng limang libo para sa nalalampit na pag tatanim ng mais. Nagkulang kasi ang pera namin ng nanay mo dahil sa ipina sweldo din namin sa mga kapwa ko mag sasaka na tumulong saamin.
Paki bigay nalang kay Michael ang ipapahiram mong pera, para di kana gumastos sa pamasahe na mag punta dito.

Lagi kayong mag iingat ah, mahalin niyo ang isat isa. Alam ko na mahal na mahal mo din siya dahil nakikita ko ang kislap sa iyong mga mata.

Salamat sa pag unawa.

Oo nga pala naikwento sakin ni nanay na nag kulang ang Pera nila dahil sa daming gastos sa sakahan.

Dibale sasabihin ko nalang sakanila niyan.

.

Katatapos ko lang mag luto ng hapunan nakita ko si manang na nakatayo sa sala at may kausao sa cellophone.

"Ano? B-bakit anong ngyari sakanya.?"

Bakas sa muka nito ang pag aalala.

"Trenray mil?... Saan naman tayo kukuha ng ganoong halaga?"

Di ko naman sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila pero gusto kong tulungan si Manang.

"Sige, susubukan kong gumawa ng paraan para mailabas na siya sa ospital."

Bumuntong hininga ito at ibinaba na ang cellphone na hawak.

Mag kasabay kaming kumain ni Manang pero napansin kong wala siyang gana.

"Manang may problema po ba?"

Nag aalalang tanong ko.

"Kailangan ko kasing umuwi ng probinsya namin."

Sabi nito.

"Bakit po?"

Kunwaring tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan.

"Yung kapatid ko kasi ay nasa ospital, limang araw na siya sa doon at hindi pa siya nailalabas dahil wala kaming perang pambayad sa ospital."

Malungkot nitong sabi.

"Mag kano po ba ang kakailanganin?"

Tanong ko.

"Trenta mil, anak pero di ko alam kung san ako kukuha ng ganoong kalaking halaga."

"Sige po Manang bibigyan ko kayo ng trenta mil, at sasabihin ko nalang kay Zach."

Nakita kong nag liwanag ang muka ni manang.

"Naku!, maraming salamat anak, pero hindi kaya magalit si Zach?"

Nag aaalalang tanong niya.

"Hindi po manang, ang tagal niyo ng naninilbihan sa pamilya nila. Sigurado ako na papayag iyon."

"Maraming salamat talaga Anak."

Sabi neto at lumapit saakin para yumakap.

"Kelan po pala ang alis niyo.?"

Tanong ko ng mag hiwalay kami sa pag yakap.

"Mamayang madaling araw na sana."

Sabi neto.

Tumango na lang ako bilang tugon.

Ng matapos kaming mag hapunan ay kumuha ako ng pera sa pinag tataguan ni Zach. Oo alam ko dahil di nya naman iyon itinatago saakin..

Ibinigay ko kay manang ang kailangan niyang pera at muling nag pasalamat.

Kumuha na din ako ng limang libo na ipapahiram ko kay Tatay.

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon