FFY 2

2.1K 65 3
                                    

Di ko alam kung gano na ko katagal nakatingin sakanya.

di ko napansin na nakasandal na siya sa swivel chair at nakatingin sakin na ngingiti ngiti.

iniwas ko yung tingin ko nakakahiya.

"Mag bibigay ka ba ng mangga?"

tanong niya.

tumingin ako sakanya at nahihiyang ngumti.

lumapit ako sakanya at ini abot ang dalawang mangga sakanya.

"K-kuya--"

tumawa siya.

"Sinabi ko na sayo diba? dont call me kuya, Zach nalang."

sabi niya.

"Z-zach may pinaabot din palang sulat si ate Trina sayo."

sabi ko at iniabot sakanya ang sobre.

kinuha nya iyon pero di muna binuksan.

nakarinig ako ng katok sa labas at bumukas ang pinto.

Iniluwa non si Nanay Lolit na may dalang Juice at Strawberry Cake.

Paborito kasi ni Kuy-- ai Zach ang strawberry.

Ng mailapag iyon sa lamesa ay agad ding umalis ito.

"Meryenda ka muna."
sabi niya.

mabilis kong kinuha yung cake at juice.

ng maubos ko iyon ai mag papaalam na sana ako na aalis na dahil gabi na pero pinigilan nya ko.

"Gusto kong basahin yung sulat ni Trina sa harap mo."

sabi neto.

umupo ako sa upuan na nasa harap nya.

binuksan neto ang sobre at nag simulang basahin ang sulat.

Mula sa nakangiting muka, ay nag bago iyon sa madilim at nag aapoy na mata.

nakita kong unti unting nalulukot ang papel na hawak niya.

Nagulat ako ng bigla nya itong nilukot ng tuluyan  at ibinato sa trash bin na nandoon.

Tumingin siya sakin, halata ang galit sa muka nya.

"Z-zach."

tawag ko sakanya.

"Tinakasan ako ng kapatid mo!"

nagulat ako sa sinabi nya.

"Kung ayaw ng kapatid mong pakasalan ako, Ikaw ang mag papakasak sakin!."

mula sa galit niyang tono.

Lumapit siya sakin at hinawakan nya ang siko ko at hinalikan ako ng mariin,

halos dumugo ang mga labi ko sa sobrang riin ng halik nya.

nakakatakot siya.

di ko siya kilala.

ibang iba siya sa Dating Zach na nakilala ko.

kaya siguro nag madaling umalis ang ate dito sa bansa, at nag punta sa hawaii 4 years ago bago ang kasal..

At di na nag paalam kay nanay at tatay, tanging ako lang ang sinabihan niya pero di ko alam na plano nya palang takasan ang kasunduan nila Tatay at Zach na tutubusin nito ang lupang sakahan kung ipapakasal nila si ate Trina sakanya.

ayaw ng nanay at tatay pero, sinabi ng ate na pumapayag siya pero, labag sa kalooban nito ang nagawang desisyon.

humiwalay siya sakin at tinignan ang kamay nya na may bahid ng dugo.

"What happen to your elbow?"

tanong nya.

di ko napansin ang luhang pumatak sa mata ko. Hindi dahil sa sugat ko, dahil sa puso ko. Mahal ko si Michael at di ko kayang mag pakasal sa iba.
.

"Sh*t!"

narinig kong sabi nya at kinuha ang first aid kit.

nilinis nya muna ang sugat ko sa siko gamit ang bulak na may betadine at saka tinakpan ng gasa.

Itinuro ko pa yung tuhod ko na may gasgas.

bumuntong hininga siya at nilinisan din ito at tinakpan ng gasa.

"Anong ngyari jan sa tuhod at siko mo?"

kunot noo nyang tanong.

"N-nalaglag ako sa p-puno ng mangga."

yumuko ako.

"Sa susunod ayaw na kitang makikitang umaakyat ng mangga."

sabi neto at inayos ang mga kalat.

"Ayusin mo sarili mo,ihahatid kita delekado sa daan."

sabi nya at naunang lumabas ng silid.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon