FFY 25

1.5K 49 1
                                    

Napaluha ako sa sinabi niya hindi ako makapaniwala sa mga ngyayari.

Hindi...
Hindi magagawa ni Zach ang bagay na iyon.

"Hindi totoo yan...di yan magagawa ni Zach."

Sabi ko habang lumuluha, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang kwento niya.

Sa konting panahon na nag sama kami ni Zach ay napamahal na ako sa kanya.

Oo mahal ko si Michael.... Noon pero hindi na nayon.

"Kath, maniwala ka sakin. Nag sasabi ako ng totoo, mahal na mahal kita alam mo yan."

Lumayo ako sakanya.

"Mahal ko si...Zach."

Mahina kong sabi.

Nakita ko ang mga luhang umaagos sa pisngi niya.

"Masyado na niyang nalason ang isip at puso mo Kath, nasasabi mo lang yan kasi nasaktan ka sa pag aakalang iniwan kita. Maniwala ka sakin, Mahal ko. Subukan mong kapain ang puso mo at malalaman mo na ako ang mahal mo at hindi si Zach."

Sabi neto at lumapit saakin

Malinaw na sakin na si Zach ang mahal ko, oo parang ang bilis ng mga ngyayari pero iyon ang totoo.

"Kailangan mo na akong kalimutan Michael, si Zach ang mahal ko, tapos na ang lahat saatin."

Sabi ko at tumalikod na.

Naramdaman ko ang mga bisig na yumakap sakin mula sa likod na mas lalong nag paluha saakin.

"Please kahit ngayon lang hayaan mong yakapin kita ng ganto."

Bulong niya.

"Itigil mo na to Michael."

Lumuwag ang pag kakayakap niya at iniharap niya ako sakanya at muling niyakap.

"Hayaan mo muna akong yakapin ka, ito na ang huling yakap ko sayo at hahayaan na kitang maging masaya sa piling ng iba, pero ngayon hayaan mo muna akong yakapin ka ng ganito."

Lumuha ako at ginantihan siya ng yakap, alam ko na masakit din para sakanya ang lahat.

Marami din kaming pinag samahan pero hanggang dito nalang kami.

Masakit sa loob ko anv mga ngyayari pero ito ang kapalaran ko.

Hanggang dito nalang kami.

"KATHERINA!!"

Napabitaw ako sa pagyakap namin.

"Z-zach."

Mahina kong sabi.
Nakita ko ang pagdilim ng tingin niya kay Michael.

Nag sukatan sila ng tingin.

Lumapit si Zach sakin at hinila ako palayo kay Michael.

"GAGO KA ZACH! WAG MONG SASAKTAN SI KATH!!"

sigaw ni Michael.

"Wala kang karapatan na pag sabihan ako Gago!"

Ganti ni Zach at mas hinigpitan pa ang paghawak sa braso ko.

"N-nasasaktan ako Zach."

Daing ko.

Tinignan niya lang ako at ipinasok sa loob ng sasakyan.

Nakitan ko si Michael na humahabol samin pero binilisan ni Zach ang pag maneho, napaluha ako.

Tinignan ko si Zach na nakatuon lang ang tingin sa kalsada, madilim padin ang muka niya.

Napabuntong hininga nalang ako, di ko alam kung ano ang sasabihin kong paliwanag sa nakita niya.

Sasabihin ko sakanya ang totoo...

Na mahal ko siya.

--

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon