FFY 6

1.8K 53 3
                                    

Nakita ko ang sarili ko naglalakad patungo sa Batis kung saan kami huling nagkita ni Michael.

Umupo ako sa isang malaking  batuhan doon at pinagmasdan ang lagaslas ng tubig sa mga bato.

Nakatingin ako sa malayo.

Ang tanging nasa isip ko lang ay si Michael.

Di ko ininda ang pagod at gutom,dahil alam ko na di rin naman ako makakakain ng mabuti.

Nakita kong palubog na ang araw kaya napag pasyahan kong umuwi na at baka mag aalala na sakin si Nanay at  Tatay.

May isang itim na Honda Civic ang nakaparada sa bahay namin.

Si Zach!

Sabi ko sa aking isip.

ng makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko siyang nakaupo sa isang kahoy na upuan.

Tumingin ako sa kanya at nag iwas din agad.

"Kateng! anak san kaba nag puntang bata ka? kung san san kita hinanap anak, bakit di ka umuwi pag kahatid ng baon ng Tatay mo sa bukid san kaba galing?"

Nakita ko ang pag aalala sa mata ni Nanay.

matamlay akong ngumiti sakanya.

"Okay lang po ako Nay, nag punta lang ako sa batis."

mahina kong sabi.

"Halika at kumain ka muna di ka na nga nag agahan di kapa nanang halian."

aya ni Nanay.

"Busog po ako Nay."

"Anong busog? walang laman ang tiyan mo."

wala akong nagawa kundi sumunod kay nanay.

tumingin ako kay Zach na nakatingin lang samin ni Nanay.

di ko mabasa ang ekspresyon ng mata niya.

"Nga pala anak may sasabihin si Sir Zach."

sabi ni Nanay pag katapos kong kumain.

magkaharap kami ngayon sa upuan.

kahit na galit ako di ko magagawang bastusin si Zach sa harap ni Nanay dahil kahit papano malaki ang naitulong niya saamin pero may kapalit naman iyon.

"Naisipan kong ipa aga ang kasal natin."

halos magulantang ako sa sinabi niya.

di ako naka imik.

"And Im going to pick you tomorrow."

tumingin ako sa ibaba.

Namumuo nanaman ang ulap sa gilid ng mata ko, ngunit pinigilan ko itong tumulo.

Nagpaalam na siya kay Nanay at inihatid nya ito sa labas.

Pumasok ako sa kwarto at nag kulong hanggang gabi.

Kumatok si Nanay pero di ko pinag buksan.

"Anak buksan mo tong pinto."

si Tatay.

agad kong binuksan ang pinto at bumalik sa pag kakaupo sa higaan ko.

"Anak."

mahinang sabi ni Tatay.

umupo sila sa harap ko  at nanatili akong nakayuko.

"Alam kong mahirap para sayo ang mag pakasal sa Mueble."

tumingin ako sa kanila.

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Nanay

Gusto ko siyang yakapin.

"Kung ayaw mo mag pakasal sakanya...

tumingin naman ako kay tatay,nakita ko siyang yumuko.

...mas mabuting ibigay nalang natin sa kanya ang lupa natin na tinubos niya."

Nakita ko ang pag bagsak ng luha ni Tatay.

Alam kong mahal niya ang lupa na minana niya sa lolo at lola ko.

At alam ko din na kaya niyang gawin ang lahat wag lang masaktan kaming mga anak niya.

umiling ako sa sinabi ni Tatay.

Kung mahal niya ko,mas mahal ko sila ni Nanay. Kung kaya nilang isuko ang sarili nilang kaligayahan. Isusuko ko din ang kaligayahan ko para sakanila.

Matanda na ang Nanay at Tatay ito nalang  ang natitirang arian namin.

"Mag p-papakasal ako sakanya Tay."

mahina pero garalgal kong sabi.

"Hindi Anak, alam kong gagawin mo lang ito para samin."

si Nanay.

tama si Nanay.

"Mahal ko kayo ni Tatay, Nay at handa akong isuko ang kaligayahan ko para sa inyo."

muli akong tumingin sa kanila na parehong luhaang nakatingin saakin.

Nasasaktan ako sa nakikita ko.

"Gusto ko anak, na ikasal ka sa lalaking mahal mo at mahal kadin, hindi dahil sa isang kondisyon."

sabi ni Tatay.

"Buo na ang desisyon ko Tay, Nay. Magpapakasal ako kay Zach."

wala ng nasabi si Nanay at Tatay.

Alam ko na matututunan ko siyang mahalin at ganun din siya sakin.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon