FFY 1

2.7K 74 0
                                    

4 Years Later....

Kauuwi ko lang galing sa trabaho at sinalubong ako ng Inay at binigyan ng tubig.

"Kamusta ang trabaho anak?"

tanong ni Nanay.

"Okay naman po Nay, bukas Day off ko po matutulungan ko kayo ng Tatay sa pagtanim ng palaya."

masaya kong sabi kay nanay.

"Naku! anak hayaan mo na ang mga kinuha ng Tatay mo na katulong nya sa pag tatanim....

gusto ko sanang mag pumilit pero alam ko na hindi ako mananalo at naka paluin lang ako sa pwet.

...nga pala anak may dumating na sulat sayo, mula Hawaii."

sabi ng Nanay at iniabot saakin ang sobre.

binuksan ko Iyon at nakita ko na may nakalagay na pangalan.

yung isa para kay Kuya Zach at Isa para sakin..

maalala ko ngayong taon na to ang kasal nila ni Kuya Zach panigurdo ako na matutuwa si kuya sa sulat ni ate.

Dali akong nag bihis ng pambahay nag ayos ng buhok at nag lagay ng konting pulbos sa muka.

Di naman ako nag papaganda kay Kuya Zach.

pero aamin ko may lihim padin akong pag tingin sakanya kahit na may kasintahan na ako.

Kinuha ko yung Bisekleta sa likod bahay at nag paalam na pupunta ako sa mansyon ng Mueble.

Dali akong nag Bike mejo malayo layo din kasi ang bahay nila.

kinse minutos akong nag bike ng

mapadaan ako sa Malaking puno ng mangga malapit sa gubat.

Dali akong bumaba at umakyat ng mangga, nakakita kasi ako ng dalawang hinog na bunga non.

pero sa kamalas malasan naputol ang sangang simasampahan ko at nahulog ako.

"A-aray! ang sakit!"

Ininda ko ang sugat na nasa tuhod at siko ko.

Pero tumayo din ako para kunin ang nalaglag na mangga sa kasabay na pag bagsak ko sa batuhan na kalsada.

Inilagay ko ang mga mangga sa basket na Pinaglagyan ko ng sulat na galing kay ate Trina.

Nasa harap na ko ng malaking mansyon at nag door bell.

lumabas si Nanay Lolit.

"Oh Kateng, mag gagabi na bakit anong ginagawa mo dito bata ka."

tanong ni Nanay Lolit.

"Nandyan po ba si Kuya Zach?"

tanong ko.

"Oo halika kagagaling lang nya sa trabaho pasok ka."

paanyaya nya.

ng makapasok kami sa loob di na ko nagulat sa nakita ko dahil halos linggo linggo akong nag pupunta dito para dalhan si Kuya Zach ng Mangga.

"Hintayin mo ko diyan at sasabihin ko kay Zach na andito ka."

sabi neto at tuluyan ng umalis sa harapan ko.

maya maya lang ay lumabas na si Nanay Lolit mula sa pinakadulong pinto sa taas kung nasaan ang Library ng Bahay.

"Umakyat ka nalang doon sabi ni Zach."

tumango ako bilang tugon

mabilis akong naglakad paakyat ng hagdan at kumatok sa pinto bago pumasok.

Nakita ko sya hawak ang Libro at nag babasa.

Napaka gwapo talaga nya kahit na Seryoso at hindi palangiti sabi ko sa Isip ko.

---

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon