FFY 41

1.7K 46 1
                                    

Binuksan ko ang pinto ng cr at nag itinuloy ginagawa ko.

"Sayang di mo nakita si papang pogi kanina."

Malanding sabi ni Jasmine.

Umiling nalang ako at ipinag patuloy ang ginagawa.

Malakas ang ulan ng umuwi kami ni Jasmine at dahil wala kaming payong ay naglakad kami pauwi.

Nakaramdam nanaman ng pag bigat ang ulo ko.

Nagulat si Nanay Erling ng makita akong basang basa ng ulan.

"Jusko kang bata ka bakit ka nag paulan?"

Alalang sabi ni Nanay Erling at sinalubong ako ng malaking twalya at ibinalot ito sa basa kong katawan.

Di ko na namalayan ang lahat ng ngyari ng magdilim ang paningin ko.

.

Buti na lamang at maagap na nasalo ng matanda si Katherina at hindi ito tuluyang bumag sak sa sahig.

"Ay! Kath jusko!"

Napasigaw si Nanay Erling sa biglaang pagka walan ng malay.

Inalalayan nito ang dalaga kahit na hirap na hirap siya sa pag buhat dito.

Inaamin niya sa sarili nya na simula ng kupkupin niya ang dalaga ay malaki na ang naitulong nito sakanaya masipag at maalalahanin ang dalaga kaya kung maari lang ay ayaw niya ng mawala ito.

Mag isa na lamang kasi tong namumuhay dahil wala na syang iba pang kamag anak na kakilala.

Kaya laking pasalamat niya ng pagtagpuin sila ng landas ni katherina.

Hinawakan niya ang noo ng dalaga at nag aapoy ito ng lagnat.

Kumuha siya ng malinis na planggana at nilagyan ito ng maligamgam na tubig.

Hinubad nito ang damit ng dalaga at pinalitan ng malinis at tuyong damit.

Pinatuyo din nito ang buhok at sinuklay.

Pinunasan niya ang buong muka ng dalaga at iniwan ang bimpo sa noo nito para bumaba ang lagnat.

Naalala niya ang nag iisa niyang anak na si Rosa namatay ito dahil sa matinding sakit na kumapit dito, at sobra siyang nag luksa sa pag kawala neto.

Ipinilig na na lamang nya ang kanyang ulo para iwaglit sa isipan nito ang masakit na alala dahilan kung bakit siya nag iisa.

.

Nagising ako sa pag tunog ng cellphone ko alasais na ng umaga.

Mabigat ang pakiramdam ko pero kinakailangan kong pumasok dahil wala akong kikitain.

Kinapa ko ang noo ko sobrang init ko parang hindi ko kayang tumayo.
Parang dinadaganan din ako ng mga bato pero hindi ako pwedeng mag absent inaalala ko ang utang ko kay Zach pati na ang pang araw araw namin na pagkain.

Kinuha ko ang pandesal at nag timpla muli ng kape at di ko na inubos pa iyon dahil wala akong gana.

Kahit masama ang pakiramdam ko ay naligo ako at nag ayos ng sarili.

Parang nilalamig ang buong katawan ko perl kailangan kong mag lakad dahil sayang ang pamasahe.

"Kath, ayos kalang ba?"

Tanong ni Aling Martha ng makasalubong ako.

"O-oho ayos lang ho ako."

Magalang kong tugon.

Kahit na ang totoo ay hindi ako okay.

Ipinag patuloy ko lang ang paglakad ko hanggang sa makarating ako ng Salon.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon