FFY 7

1.8K 53 3
                                    

Dumating ang araw ng kasal namin ni  Zach, hindi engrande ang kasal na kagaya ng iniisip niyo.

Isa lamang itong simple, pero lahat ay masaya sa pag hahanda maliban saakin.

"Anak! anjan na yung sasakyang pang kasal halika na at baka malate tayo."

tumingin ako kay Nanay.

Labag sa kalooban niya ang desisyon ko mahal ko sila kaya gagawin ko to.

niyakap  ako ni Nanay.

"Ipakita mo sa lahat na masaya ka Katherina, labag sa kalooban namin ito ng tatay mo pero pinili mo ang desisyong ito."

naluluhang sabi ni Nanay.

ngumiti ako sakanya, hindi ito ngiting pilit tunay ito.

Dahil alam ko na hindi mahirap mahalin si Zach, siya kaya ang crush ko noong teen ager palang ako.

Ngumiti din si Nanay sakin

"Napaka ganda mo anak, ganyan na ganyan ang muka ko nun bago kami ikasal ng Tatay mo."

"At ano nanaman yang pinag uusapan ng mag ina ko?"

biglang singit ni Tatay.

"Si nanay po, sabi niya bago kayo ikasal ganto din daw po muka niya."

sabi ko sa pagitan ng tawa.

"Basta anak, pag nagka problema lang sa inyo ni Zach wag kang mag mag daalawang isip na lumapit samin ng nanay mo."

paalala ni tatay.

tumango ako bilang tugon.

.

Sa isang hindi kalakihang simbahan sa aming bayan kami ikinasal pero ang mga dekorasyon ang mas nagpaganda sa buong simbahan.

Ng matapos ang seremonyas ay agad kaming kinuhan ng litrato ng Photograper.

Tumingin ako kay Zach pero hindi siya naka ngiti.

Ngumiti ako sa harap ng kamera.

kahit na ako lang ang ngumiti ayos lang.

Dumiretso kami sa reception kung saan marami ng tao, karamihan ay taga bayan namin at Mayor ng aming bayan.

Ng matapos ang kainan ay nag paalam na kami sa lahat.

Bago kami umalis ay nag bilin si Tatay kay Zach na alagaan ako at wag na wag pababayaan, tanging tango lamang ang isinagot nito kay Tatay

.

Ilang oras din kaming nag biyahe ng makarating kami sa aming titirhang bahay, malayo ito sa bayan namin.

Ng bumaba kami ay namangha ako sa Ganda ng bahay.

lumabas ang isang kasambahay na nasa tansya ko ay 62 ang edad.

"Zach anak, nakarating na rin kayo sa wakas hali na kayo at pumasok."

nakangiti nitong wika.

kinuha ko yung mga gamit namin sa compartment ng sasakyan.

Bubuhatin ko sana iyon pero pinigilan niya ko at kinuha iyon sa kamay ko.

Nakaramdam ako ng paro paro sa loob ng tiyan ko.

kahir na di niya ko kinakausap ay may pakialam siya sakin.

Ng pumasok kami sa loob ay halos lumuwa ang mata ko sa sobrang ganda ng bahay.

Mas malaki eto at mas maganda kesa sa Mansyon nila sa aming bayan.

Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay.

Kumpleto ang gamit dito at halatang mamahalin ang lahat.

Tinignan ko ang hagdanan na gawa sa puting marmol.

lumapit ako doon at hinawakan iyo.

Habang pinpasadahan ko ng haplos ang hagdanan ay humahakbang ako papuntang itaas.

May Tatlong pinto doon.

Binuksan ko yung unang pinto na katapat ng pangatlo.

Bumungad sakin ang mejo katamtamang laki na kwarto.

sa magiging anak siguro namin to.

napangiti ako sa inisip ko, binuksan ko yong pangalawa at ganun din.

yung pangatlo naman ay dahan dahan kong binuksan at nakita ko si Zach na nakahiga doon.

Pumasok ako sa loob para lapitan siya.

Tulog na pala.

Hinubad ko yung sapatos niya at itinabi sa  Shoe rack na nasa sulok ng kwarto.

.

Inayos ko ang mga gamit namin sa loob ng walk in closet.

Ng matapos ko iyon ay pumunta ako sa malawak na balkonahe ng kwarto.

Binuksan ko ang pintong salamin at bumungad sakin ang malamig na hangin.

Tumingin ako sa ibaba Nakita ko ang Rectagular na Pool May bubong ito na gawa din sa salamin.

Lumabas ako ng bahay para libutin ito.

sa likod ng bahay ay mas malawak kesa sa harap.

May umuwan na gawa sa semento ganun din sa lamesa.

May malaking hardin na halatang alagang alaga.

nilibot ko pa ang mata ko may nakita akong Duyan na gawa sa kahoy, na nasa gilid ng hardin.

Umupo ako doon at pinag masdan ang makukulay na bulaklak.

Biglang pumasok sa isip ko si ate Trina.

Siya sana ang nandito ngayon at hindi ako.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon