FFY 10

1.7K 55 5
                                    

Katatapos lang namin ni Ate Trina na mag usap.

Tumayo ako mula sa pag kakaupo sa upuan at itinuloy ang gawain na naiwan ko si kusina.

Ng matapos na ako ay naligo ako at ng bihis ng damit pambahay.

Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa labas.

sinilip ko iyon mula sa balkonahe ng aming bahay,nakita ko ang itim na honda civic na sasakyan ni Zach.

Nag madali akong bumaba at binuksan ang malaking Gate.

Hindi ko siya makita sa loob dahil tinted ang salamin ng sasakyan.

Ng makapasok siya ay agad kong isinara ang gate at inilock iyon.

Ng makababa siya ng sasakyan ay lumapit ako sakanya para kunin ang suitcase na hawak niya.

"A-ang aga mo ata umuwi n-ngayon?"

putol putol kong tanong.

"Wala na kasing gagawin sa opisina kaya napag pasyahan kong umuwi."

Lumapit siya sakin at dinampihan ako ng mabilis na halik sa pisngi na siya namang ikinagulat ko.

Nakaramdam ako ng paro paro sa tiyan ko.

"Namumula ka Katherina, halika na pasok na tayo sa loob baka dahil sa init."

patay malisya niyang sabi.

Hinawakan ko ang muka, Nakakahiya.

Nauna na siyang nag lakad papasok ng bahay. Hinawakan ko ang pisngi ko na hinalikan niya. Ngayon lang niya ko hinalikan simula ng ikasal kami, maliban nung unang araw namin bilang mag asawa, sa simbahan iyon.

Kinikilig ba ko? tanong ko sa sarili ko.

Oo gaga kinikilig ka.

Pumikit ako at umiling. Sumunod ako sakanya sa loob.

Umupo siya sa kama at humiga,ibinaba ko ang suitcase niya sa lamesa na nasa kwarto.

Gaya ng lagi kong ginagawa. Hinubad ko ang sapatos at medyas niya.

Niluwagan niyang necktie niya at tinanggal ang pag kabutones ng longsleeve niya.

Tinulungan ko siya sa pag hubad ng pang itaas.

Inilagay ko sa marumihan ang damit niya.

Pumasok ako sa walk in closet at kumuha ng pambahay niyang damit.

Inilapag ko iyon sa tabi niya, akmang aalis na ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"Come here."
malambing niyang sabi.

"Ah?"

kahit na narinig ko ay nagpanggap ako na kunwaring di ko narinig ang sinabi niya.

"Halika dito sa tabi ko."

Nag aalinlangan akong umupo sa tabi niya.

Hinapit niya ang bewang ko at ipinahiga sa tabi niya.

Humarap siya sakin at niyakap ako.

Kinakabahan ako na ewan sa ginawa niya, eto nanaman ang paro paro sa loob ng sikmura ko.

Ngayon lang din niya kasi ako niyakap.

Rinig ko ang mahina niyang pag hinga.

Tumingin ako sakanya.

Akala ko nakapikit siya pero nakatingin lang din siya sakin.

"Alam mo naman na may pangangaylangan din ako diba?"

naku! di pa ko handa para dito.

bulong ko sa isip ko.

tumango ako bilang tugon.

Ipinaharap niya ako sakanya at naramdaman ko ang labi niya na naka lapat sa labi ko.

Tumugon ako sa halik na iyon.

Mas lumalim pa ang halik na pinag sasaluhan namin, di ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko basta ang alam ko lang ayokong itigil ang mainit na halik na pinag sasaluhan namin.

Naramdaman ko ang isa niyang kamay na pumasok sa ilalim ng blusa ko. Di ko siya pinigilan sa ginawa niya, gusto kong namnamin ang mainit na palad niya na humahaplos sa tiyan ko.

Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya.

pumatong siya sakin, pero hindi ko naramdaman ang bigat niya.

Tumaas pa ang kamay niya hanggang sa dibdib ko.
maharahan niya itong pinisil napa ungol ako sa ginawa niya.

"Z-zach."

Tumigil siya sa pag halik sakin at mabilis na bumangon.

"I-im Sorry."

bulong neto at lumabas ng kwarto.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon