Maaga akong nagising at nag ayos ng sarili, nag paalam ako kay Nanay Erling na mag hahanap ako ng trabaho para naman may pang kain kain kami sa araw araw.
.
Natanggap ako sa isang maliit na salon, di kalayuan sa aming bahay walking distance lamang ito. At dahil may alam naman ako sa pagsasalon nag start na ako ng araw na iyon laking pasalamat ko dahil di ako nahirapan, okay naman ang sweldo na dalawang daan kada araw. Sakto lamang samin ni Nanay Erling iyon.
.
Marami sa mga kasamahan ko ang bilib sakin dahil sa maayos at maganda kong pag kukulot at pag rerebond ng buhok ng mga costumer namin.Isang linggo na din pala ako dito sa pinagtratrabahuha ko at swelod na namin, lingguhan kasi ang swelduhan dito kaya hindi kami mahihirapan ni Nanay Erling na kumita ng kakainin namin.
"Kath, halika na kain na tayo alas dose pasado na o di ka ba nagugutom?"
Aya ni Jasmine, oo Jasmine ang pangalan niya. Grabe noh sa lahat ng magiging kaibigan ko Jasmine pa ang pangalan pero mabait ito at madaldal, hindi siya gaya ng Jasmine na kilala ko na saksakan ng yabang.
Kathlene ang pakilala ko sa kanilang lahat dahil marami din pala ang nakakakilala kay Katherina Ramos dahil sikat si Zach sa buong lugar na ito bilang isang magaling na businessman.Nung unang araw ko dito ay siya na agad ang unang lumapit sakin at nag pakilala, at eto pa malapit lang pala sila sa bahay ni Nanay Erling kaya madalas kaming magkasamang umuuwi dahil 8 na nag sasara ang salon.
"Uh, oo sige sabay na tayo ayusin ko lang to."
Maligayang sabi ko sakanya.
Habang hinihintay namin ang pagkain na inorder namin ay di siya tumitigil sa kadadaldal, lagi niya kasing kinukwento ang kapatid niyang babae na saksakan daw ng landi, inis na inis kasi siya doon linggo linggo daw kasi iba iba ang kasamang lalake. Bagay na bagay daw sakanya ang pangalan na Magdalene.
Tumatawa nalang ako kapag nag kukwento siya.
Natanong niya din sakin kung bakit ngayon lang daw niya ako nakita dito at kaano ano ko daw si Nanah Erling dahil sa buong buhay niya ngayon lang daw niya nakita ang matanda na may kasama sa bahay., ang sabi ko naman apo ako ni lola Erling at kaya ngayon lang niya ako nakita dito dahil tumakas ako sa Nanay ko dahil gusto kong makasama si Nanay Erling.
Yun din kasi ang sabi ni Nanay, dahil bukod sakanya wala ng nakakaalam na asawa ko si Zach
Tinatanong nga ako ni Jasmine kung kilala ko si Zach Noel Mueble dahil kamuka ko daw ang asawa neto pero ang sabi ko naman ay hindi at malabong mag kamuka kami, naidyaryo nga kasi ang kasal namin.
Inilapag na sa harap namin ang pagkain na inorder namin.
Parang amoy panis ang pagkain na ibinigay sakin kaya nag takip ako ng ilong at nag taka naman si Jasmine.
"O, bakit nag tatakip ka ng ilong. ayaw mo ba ang pagkain?
Kunot noo nitong tanong.
Madalas kasi na ganito ang pang amoy ko di ko rin alam kung bakit.
"Para kasing panis."
Bulong ko dahil baka marinig ng tindera.
Bumuntong hininga siya.
"Di naman ahh.. Akina nga palit tayo ng pagkain, para makakain kana payat mo oh."
Sabay kuha ng plato ko at ibinigay sakin ang nawas niyang pagkain.
Dahil di naman ako maarte kinuha ko iyon at sumubo.
"Hmmm! Ang sarap naman neto."
Sabi ko at maganang kumain.
Kahit gusto ko pang kumain ay pinigilan ko ang sarili ko dahil wala na kaming ibabudget sa linggong ito.Naging maayos naman ang araw ko ngayon sa salon at mejo nakakaramdam ako ng hilo siguro ay dahil sa pagod kaya hindi ko na lamang ito ininda pa.
Kailangan kong mag ipon para sa pambayad ko sa hiniram ko kay Zach para mapatad niya nankonat hindi niya na din ako akusahan ng magnanakaw. Kulang kulang trentay sinko mil din ang bubunuin ko at kailangan ko talagang makaipon.
----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...