"Sigurdo po bang hindi kayo sasama saamin Nanay Erling?"
Tanong ko sakanya.
Isang linggo ko ding pinag isipan ang pag samang muli kay Zach. Naniniwala ako sakanya, alam ko na mahal na mahal niya ako at ganun din ako.
"Oo anak kaya ko naman dito."
Alam ko na kahit hindi niya sabihin sakin ay nasasaktan siya sa pag alis ko. Ganon din naman ako dahil napamahal na ko sakanya.
Malaki ang utang na loob ko kay Nanay Erling dahil sa walang salita na pag kupkup niya sakin.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Basta po nay, pag may kailangan kayo anjan naman po yang address namin, at pangako dadalawdalawin ko kayo dito."
Masakit man sa loob kong umalis pero kailangan dahil andun naman ang buhay ko kasama ang asawa ko.
Ng maghiwalay kami sa yakap ay napansin ko ang ilang butil ng luha sa mga mata neto.
"Osya sige na anak baka matanghalian kayo sa daan, salamat din sayo kasi kahit panandalian lang ay naramdaman ko na may nag aaruga saakin."
Nakangiti nitong sabi.
Nag paalam na kami sakanya at nag pasalamat si Zach sakanya.
Inofferan din siya nito na dun nalamang manirahan samin ngunit tumanggi siya.
.
Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lang ako sa bintana.
"Ayos ka lang ba?"
Tanong ni Zach at kinuha ang kanay ko na nasa hita ko at mariing hinalikan iyon.
Nilingon ko siya at ngumiti habang tumatango.
"Alam kong inaalala mo si Nanay Erling...wag kang mag alala kukumbinsihin ko siya na tumira saatin at kung ayaw niya hayaan mong ipaayos ko ang bahay niya at aasikasuhin ko ang pension niya para di na siya mag trabaho, at hindu kana din mag alala."
Napangiti ako sa sinabi ni zach.
"Salamat."
Yun lang ang nasabi ko.
Mabilis kami na naka uwi sa bahay.
Nakakamiss dito, sobra kong mamiss.
Nakita ko si Manang na nag hahain ng pagkain sa lamesa.
"Oh Kath, kamusta ang bakasyon mo?"
Masiglang bati nito, napakunot ako ng noo at tumingin kay Zach.
Ngumiti lang ito at nag kamot sa ulo.
"Ayos lang po manang."
Ngiti kong sabi.
"Mejo nangayayat ka ah."
Takang tanong nito.
"Ayos lang po ako."
Tugon ko.
.
Ng matapos kaming kumain ay nag kulong lang kami sa kwarto mag hapon.
Nakahiga ako sa kama at nakatuon lamang ang atensyon nito sa laptop.
Maya maya lang ay lumapit ito saakin at niyakap ako.
"Kamusta ang misis ko?"
Nang aakit na sabi nito at hinalikan ang leeg ko.
"Zach! Tanghaling tapat oh."
Bawal ko sakanya.
"Ano naman, wala namang pinipiling oras ang pag memake love ah."
Pilyo itong ngumiti.
Naninibago parin ako pero alam ko na masasanay din ako sa kasweetan nito.
Wala na kong nagawa ng hinalikan nq niya ako.
----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...