FFY 21

1.5K 42 1
                                    

"Manong Ben, salamat po."

At iniabot sakanya ang pamasahe ko.

Nakakamiss din pala ang hangin ng probinsya.

Tatlong oras din akong bumyahe at sa wakas nakarating nadin ako.

Binuksan ko ang gate namin na gawa sa kahoy, ganon padin naman ang itsura ng bahay namin ang kalahati ng bahay ay sementado at ang iba naman ay tinadtad na kawayan, pawid padin ang bubong ng bahay namin.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naamoy ko ang mabangong ulam na niluluto ni Nanay.

Inilapag ko ang bag ko sa upuan at dahan dahan na umupo sa hapag kainan, pinapanuod ko lamg na nag luluto ang Nanay,pero hindi niya alam na andito ako sa likod niya at pinag mamasdan siya.

Humarap siya sakin at nanlaki ang mata niya.

"KATENG! anak ikaw ba yan?!!"

Gulat na na sabi ni nanay, ibinaba niya ang sandok na hawak at lumapit sakin.

"Nay namiss ko po kayo ng sobra."

Maluhaluha kung sabi at yumakap sakanya.

"Jusko anak, mas miss na miss kana namin ng Tatay mo, ang akala nga namin nakalimutan mo na kami."

Wika ni Nanay at mas hinigpitan pa ni nanay ang yakap sakin.

"Teka, kasama mo ba si Zach anjan ba siya?"

Tanong niya.

"Wala po Nay ako lang po ang mag isa."

Sabi ko at lumuwag na ang pag kakayakap namin ni Nanay.

"Kumain kana ba? Halika at alam kong pagod ka sa biyahe."

Sabi nito at ipinag hanada ako ng pagkain.

Tuloy tuloy ako sa pag subo dahil namiss ko talaga ang luto ni Nanay.

"Dahan dahan lang anak baka mabilaukan ka jan."

Natatawang sabi ni Nanay.

"Eh, namiss ko po kasi ang luto niyo Nay."

Kinuha ko yung baso na nasa tabi ko at ininum iyon.

"Kamusta naman kayo ni Zach?"

Uhm ayon ang lamig niya, gusto kong sabihin pero hindi pwde.

"Uh, ayos naman po Nay."

Sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon at nag kakamabutihan na kayo."

Ngumiti siya sakin at tumingin sa tiyan ko.

"Nay!"

Saway ko, alam ko na kung anong iniisip niya.

"Gusto ko lang naman malaman kung mag kakaapo na ba kami."

"Ah-eh...sinusubukan naman pi namin Nay pero mukang wala pa po talaga."

Pag sisinungaling ko.
Dahil ang totoo wala pang ngyayari samin.

"Dibale anak, mag kakaanak din kayo. Ganyan din kasi kami ng Tatay mo dati, isang taon bago kami biniyayaan ng dalawang nag gagandahan na dilag."

Tumawa nalang ako, kung ganyan din sana kami ni Zach kaso hindi eh.

.

Hapon na at dumating narin si tatay, gaya ni nanay nagyakapan din kami at nag kwentuhan tungkol sa pag sasama namin ni Nanay.

Natatawa pa ko sa payo ni tatay dapat daw gabigabi kong akitin si Zach para magka baby na kami.

Wala namang masama diba asawa ko siya wala namang magagalit.

Susubukan lang naman.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon